Kabanata Limampu't Dalawa

90 10 3
                                    

Nakangiti pa rin si Kiira habang nakaumang ang kamay upang kuhain ni Shami.













Sandali itong nanahimik hanggang sa unti-unti nitong inabot ang kamay niya, ngunit bigla na lamang silang nakarinig ng mga yabag.













Mabilis na inilagay niya sa kanyang likuran si Shami at ipinasok ito sa bula. Ang bula na iyon ay isang pananggalang kung saan kaya nitong paglahuin ang sinumang kapapalooban nito.













"Hinahanap ka ni pinunong Shen" ani isang bantay.













Palihim siyang tumingin kay Shami na tanging siya lamang ang nakakakita. Hindi siya pumalag nang hatakin siya ng dalawa sa mga bantay.













Ilang minuto lang ay pwersahan siyang ipinasok sa isang madilim na silid. Kahit papaano ay komportable siya dahil nasa labas lamang ng pinto si Shami habang nasa loob pa rin ng bula.













Pinagmasdan niya ang silid na kanyang kinaluluanan. Napakadilim doon at kaunti lamang ang nasisinagan ng apoy na nanggagaling sa kahoy.













Pinakaramdaman niya ang paligid hanggang sa mabilis siyang tumalon nang may maramdamang enerhiya sa kanyang likuran.













Nang lumapag ang paa niya sa lupa ay narinig niya ang isang tawa na ayaw na ayaw niyang marinig.













"Hindi ko akalain na magtatangka kang pasukin ang aking kuta, Kiira" ani Shen na unti-unting nagpakita sa kanya habang may hawak na espada na siyang dapat na tatama sa kanya.













"Saan mo dinala si Shami?" Kalaunan ay seryosong tanong nito sa kanya.













Umayos siya ng tayo saka inilabas ang kanyang puting espada habang may ngisi sa labi.














"Paumanhin, ngunit hindi ko na siya ibabalik pa sa lugar na ito" aniya dahilan upang umigting ang galit nito.













Mabilis itong sumugod sa kanya habang mabilis niya itong sinalag. Hindi na siya tulad noon na kayang-kaya nitong patalsikin dahil nagbalik na ang dati niyang lakas.













Rinig na rinig ang bawat pagsalubong ng kani-kanilang espada tuwing tumatama ang mga iyon. Ramdam niya ang malalakas nitong atake na para bang galit na galit.













Nang sandaling malingat siya ay nadaplisan siya nito sa braso. Nang tangkain niya na maghilom iyon ay nabigo lamang siya, hindi iyon naghilom na siyang kinataka niya hanggang sa marinig niya ang pagtawa nito.













"Ang espada kong ito ay hindi basta-basta. Hindi mo kaagad maihihilom ang iyong sugat kahit gaano mo man kanais na gawin" ani nito na may ngisi sa labi.














Napakuyom siya at umayos ng tayo. Hindi niya nais na magtagal sa kuta nito lalo na at hindi siya kumportable sa isiping nagtatagal sila ni Shami sa lugar na iyon.













"Hindi ko nais ng gulo, Shen" mahinahong saad niya.













"Kung ganoon ay ibalik mo si Shami ngayon din" may diing turan nito.













A World Ruled By Fox: Nine Tailed Fox And The Human Pet (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon