Napatingin si Kiira sa malaking tahanan ni Saito habang nakaupo pa rin sa likod ng sasakyan.
"Paniguradong masisiyahan si Laito sa muli mong pagbabalik" ani Saito na siyang katabi niya.
Ngumiti siya bago tumingin rito. "Masaya din ako at muli ko na kayong makakasama. Matagal-tagal rin nang ako ay nawala."
Ngumiti lang ito bago lumabas. Lumabas na rin siya ng sasakyan at nilanghap ang hangin na kay tagal niyang hindi nalanghap nang siya ay lumisan.
Sumunod siya kay Saito hanggang sa makarating sila sa pinakapinto ng tahanan nito. Pagkabukas palang ng pinto ay bumungad na sa kanila si Laito na napatigil sa paglalakad ng pabalik-balik.
Nanlaki ang mga mata ni Laito at hindi makapaniwalang itinuro siya.
"Kiira?" Masayang paniniguro ni Hayato at nina Yana nang makita siya.
Ngumiti siya at kumaway sa mga ito. "Kinagagalak kong makita kayo muli."
Napatingin siya kay Laito at nanginginig ang mga labi nito habang nangingilid ang mga mata. Napangiti siya at lumapit rito bago ito niyakap.
"Paumanhin kung hindi ko nagawang makapagpaalam, Laito. Asahan mong hindi na ako muling lilisan pa" mahinahong turan niya.
Lumaki ang ngiti niya ng tuluyan na itong humagulgol ng iyak. Mahigpit ang yakap nito sa kanya na para bang taon ang lumipas nang siya ay umalis.
Marahang hinaplos niya ang abo nitong buhok habang nakangiti.
"Tahan na, Laito. Nandito na ako at hindi na muling lilisan pa" paniniguro niya rito.
Suminghot-singhot ito at humiwalay sa kanya. Nakangiting pinunasan niya ang pisngi nito na basa na dahil sa luha. Tila kumikinang ang mga mata nito dahil sa hilam na luha.
"Mabuti at bumalik ka na, Kiira. Ilang beses na nahuli kong naghihintay sa tapat ng pintong ito si Laito tuwing tulog na ang lahat. Marahil ay naghihintay sa iyong pagbabalik" ani Hayato habang nakangiti.
Bumalik ang tingin niya kay Laito na patuloy pa rin ang pagsinghot. Napangiti siya at marahang hinaplos ang buhok nito.
"Totoo ba iyon, Laito?" Tanong niya rito habang nakangiti.
Tumango-tango ito habang pinupunasan ang pisngi. "Nagbabakasakali akong magbabalik ka. Kahit araw lamang nang tayo ay magkakilala ay lubos na ang pagkakalapit mo sa akin. Ngayon lang ako naging malapit sa gaya mo kaya masakit sa akin nang ikaw ay lumisan. Para bang iniwan muli ako ng aming ina."
Hindi niya inasahan ang huli nitong sinambit. Bigla ay nakaramdam siya ng lungkot at galit sa sarili dahil sa ginawa.
"Paumanhin sa aking nagawa. May magagawa ba ako upang makabawi? Sabihin mo lamang sa akin ang kahit ano at ibibigay ko sa iyo iyon" nakangiting turan niya rito.

BINABASA MO ANG
A World Ruled By Fox: Nine Tailed Fox And The Human Pet (COMPLETED)
Fantasía[SEASON 1] What will you do if you woke up and you are in a world of Fox? A fox in human form with a cute ears and long tail? Will you stay there? Or try to escape? All Rights Reserved ©2020 **** Cover made by @Animoons DATE STARTED : December 29, 2...