Kabanata Dalawa

398 19 0
                                    

Parang batang palinga-linga si Kiira sa kabuoan ng labas ng piitan habang hinihintay ang lalaking sumundo sa kanya.






"Halika na at nang maayusan ka na namin" ani lalaki na sumundo sa kanya.








"A-ah. Opo" magalang na sagot niya bago sumunod sa lalaki ng mag-umpisa itong maglakad.






Naiilang na sumakay siya sa isang magarang sasakyan na nakaparada sa labas at tumabi naman sa kanya ang lalaki.






Mabilis ang pagtibok ng puso niya dahil sa kaba lalo na nang mag-umpisang umandar ang sasakyan. Tahimik lang sa loob ng sasakyan hanggang sa makarating sila sa malaking bahay.







Pagbaba niya ay hindi niya maiwasang hindi mamangha sa nakikita. Napakalaki ng espasyo sa hardin nito at puno ng kung anu-anong uri ng bulaklak ang hardin. Idagdag pa ang mala-dagat na tubig na umaagos galing sa malaking estatwa na nasa gitna na naglalabas ng tubig.







"Dito tayo" ani lalaki na mabilis niyang sinundan.






Palinga-linga ang tingin niya sa buong paligid ng bahay at hindi inalintana ang tingin ng mga naroroon na kapwa may tainga at buntot.







Makalipas ang mahabang lakaran ay huminto sila sa tapat ng isang malaking pinto. Binuksan iyon ng lalaki at bumungad sa kanya ang malaking silid at tatlong babaeng nakapangkasambahay na kasuotan. Tulad ng nakikita niya kanina pa ay may dalawang tainga at buntot din ang mga ito.





A World Ruled By Fox: Nine Tailed Fox And The Human Pet (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon