Statim finis!
****"Sabihin mo sa akin ang iyong nais, ibibigay ko sa iyo" ani nito saka itinaas ang isang kamay at may lumabas roong dyamanteng bato. "Nais mo ba ng dyamanteng nagtataglay ng kakibang lakas? Maaari ko itong italaga sa iyo."
Sandali siyang natigilan at pinatitigan ang dyamanteng bato.
"Maari rin kitang bigyan ng magandang buhay sa mundong ito. Maari rin kitang bigyan ng pngmatagalan na buhay kung iyong nanaisin" ani nito.
Nakangiting umiling siya rito. "Paumanhin, Bathalang Habue. Ang nais ko lamang ay sapat na kapangyarihan upang matulungan ang aking mga kaibigan. Iyon lamang ang aking nais."
Hindi ito nagsalita ngunit nanatili ang ngiti sa mga labi nito. Kinakabahan siya dahil bathala ng kanyang kaharap. Maling salita lamang ay maari siya nitong parusahan.
"Sadyang karapat-dapat ka na isinugo sa mundong ito. Huwag kang mag-alala, pagdilat ng iyong mga mata ay nasa iyo na ang iyong hiling" ani nito.
Napangiti siya at hindi napigilang yakapin ito na siyang yumakap rin sa kanya pabalik. Nang maghiwalay ay ngumiti ito sa kanya.
"Gawin mo na ang lahat ng iyong nais matapos ang laban na ito."
"Bakit, Bathalang Habue?" Kunot ang noong tanong niya rito.
"Dahil pagpatak ng tatlong araw ay magaganap ang muling digmaan" sagot nito. "Humayo ka at iligtas ang iyong mga kaibigan."
Magsasalita pa lamang siya ngunit may kung anong humila sa kanya at muling narinig ang ingay ng mga espada.
Unti-unti niyang iminulat ang kanyang mga mata hanggang sa tumigil ang ingay ng mga espada. Hindi niya naiwadang hindi matawa na alam niyang narinig ng lahat.
Ang mahinang tawa ay nauwi sa malakas na para bang katuwa-tuwa ang nangyayari. Mula sa kinatatayuan ay ramdam niya ang kakaibang lakas na bumabalot sa kanyang katawan.
"Ano ang iyong itinatawa!?" Sigaw ni Shen sa kanya.
Nag-angat siya ng tingin at ngumiti rito. "Wala lamang. Nakikita ko lamang ang iyong muling pagbagsak."
"Ano ang iyong---"
Natigil ito at nanlaki ang mga mata nang may malakas na pwersa ang pumutol sa kadena na nakakabit sa kanyang mga pulso.
"Hindi maaari" ani Shen na tila gulat sa mga nangyayari.
"Kay tagal na rin nang muli akong sumabak sa laban" ani Asula na unti-unting bumababa sa lupa.
"Tama ng iyong tinuran" sang-ayon naman ni Abuerde.
Lumapag ang dalawa sa kanyang likuran na siyang pumutol sa kadena. Ngumiti siya kay Shen na gulat na gulat pa rin.
BINABASA MO ANG
A World Ruled By Fox: Nine Tailed Fox And The Human Pet (COMPLETED)
Fantasía[SEASON 1] What will you do if you woke up and you are in a world of Fox? A fox in human form with a cute ears and long tail? Will you stay there? Or try to escape? All Rights Reserved ©2020 **** Cover made by @Animoons DATE STARTED : December 29, 2...