Kabanata Dalawampu't Anim

227 20 3
                                    

Please, Like/Follow my FB Page Animoons or just click this link https://www.facebook.com/Animoonsofficial/

Lagi po akong nag-popost doon about my stories 😉
****


Ilang araw na rin ang lumipas ngunit sariwa pa rin sa isipan ni Kiira ang wangis ng pinuno ng bundok ng Asuwales.












Inakala niya na matanda na ang Asula na tinutukoy ni Saki ngunit laking gulat niya ng makitang maganda ang wangis nito na parang ilang taon lang ang tanda sa kanya.












Ang kalahati ng mukha nito ay malinis habang ang kalahati ay sunog na parang hindi na mabubura pa.












"Kiira..."












Napatingin siya kay Michie na siyang anak ni Maika. Kaedad niya lang ito at kasalukuyang nagtuturo sa kanya ng iba pang salamangka na siyang magagamit niya.












"Ikaw pala, Michie" nakangiting turan niya rito.













"Nandito ka lang pala. Pinapahanap ka sa akin ni pinunong Asula para sa iyong pisikal na pagsasanay" saad nito.












Tumango siya at sinundan ito. Sa nakalipas na araw ay itinutok siya sa pagbigkas ng mga salamangka at paano iyon magagamit, kaya't kinakabahan siya sa ideyang kailangan na niyang magsanay kung paano lumaban ng walang ginagamit na kahit anong salamangka.












Ilang sandali lang ay nakarating na sila sa tapat ng tahanan ni Asula. Mula sa labas ay nakita niya ang isang lalaki na mukhang mas matanda sa kanya ng isang taon.












"Nandito na pala kayo" turan ng lalaki at nagtungo sa harap nila.












Hindi niya ito kilala ngunit may pagkakahawig ito kay Michie. Nabanggit rin sa kanya ni Michie na meron itong nakatatandang kapatid at marahil ay itong nasa harapan nila ang tinutukoy nito. Ngunit hindi niya akalain na kahali-halina ang wangis nito.












Napalunok siya nang tumingin ito sa kanya na kanina lamang ay nakikipag-usap kay Michie.













"Ikaw si Kiira, tama ba?" tanong nito.












"O-oo" nauutal na turan niya.












"Marahil ay nabanggit na ako sa iyo ng aking kapatid" saad nito at tumango naman siya. "Nais kong magpakilala ng personal. Ako si Mihiko. Ako ang nakadestino sa mga baguhang mahikera o mahikero sa usaping pisikal na pagsasanay. Maituturing na ako'y isa sa mga bihasa pagdating sa laban."













"A-ako si Kiira. Nawa'y hindi ako maging pabigat sa iyo" nahihiyang turan niya rito.












Napakurap siya ng tumawa ito na parang may nakakatawa sa sinabi niya.












"Sa tingin ko ay hindi ako mahihirapang turuan ka gayong nailathala sa akin ni pinunong Asula na kay bilis mong natutuhan ang mga salamangka na itinuro sa iyo ng aking kapatid. Kaya't panigurado na mabilis mo ring matututunan ang mga ituturo ko sa iyo" saad nito kaya naiilang na napangiti siya.













A World Ruled By Fox: Nine Tailed Fox And The Human Pet (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon