Naalimpungatan si Kiira nang makarinig ng maraming yabag ng mga yapak sa buong pasilyo. Kinusot niya ang mga mata niya saka bumangon mula sa pagkakahiga.
Inaantok pa na naglakad siya patungong pinto at pagkabukas ay sumalubong kaagad sa kanya ang kaliwa't kanang padaan-daan ng mga bantay.
Anong meron? Nagtatakang tanong niya habang pinagmamasdan ang mga bantay.
"Paumanhin kung nagambala ang iyong tulog, Kiira" ani Yana na nakita siya sa tapat ng silid niya.
"Ano bang nangyayari?" Nagtatakang tanong niya habang tulog pa rin ang diwa.
"Masama ang pakiramdam ng iyong amo, Kiira."
Bigla ay nagising ang diwa niya sa narinig. "Ano? Masama ang pakiramdam ni Saito?"
Tumango si Yana sa tanong niya. "Mukhang malalim ang natamong sugat ng iyong amo kung kaya't nagkaroon ito ng malubhang sakit. Kinakailangan na palibutan ng maraming bantay ang bawat pasilyo ng bahay upang walang makapasok at magtangkang paslangin ang iyong amo."
"Nasa'n siya? Nais ko siyang makita" aniya na nagsimula nang makaramdam ng kaba.
"Sumunod ka po sa 'kin, Kiira" ani Yana.
Sinundan nga niya si Yana kahit na nakapangtulog pa siya. Hindi man dapat ngunit nag-aalala siya para sa lalaki. Kung hindi dahil dito ay baka nasa piitan pa rin siya hanggang ngayon. Kung hindi dahil dito ay hindi siya malayang makakapaggala sa buong lugar.
Pamilyar sa kanya ang tinatahak nilang daan ni Yana kaya alam niyang patungo sila sa silid ni Saito. Kasalanan ko 'to. Kung hindi ako naging hayok na makauwi ay hindi ito mapapahamak. Ako ang dahilan sa pagkakasakit nito at lalo kong sisisihin ang sarili ko kapag may sumugod rito para samantalahin ang kahinaan ni Saito. Paninisi niya sa sarili.
Huminto sila sa tapat ng silid ni Saito na kasalukuyang may mga bantay. Kumatok si Yana ng tatlong beses.
"Sino 'yan?" Rinig niyang boses ni Hayato kaya bigla siyang kinabahan.
"Si Yana po ito. Kasama ko po si Kiira para makita ang kanyang amo" magalang na sagot ni Yana.
"Papasukin mo siya" sagot ni Hayato kaya dumoble ang kaba niya.
Unti-unting binuksan ng isang bantay sa labas ang pinto saka siya pinapasok sa loob. Napalunok siya ng makitang hindi lang pala sa likod ng palad ang sugat ni Saito kung hindi maging sa katawan nito. Wala itong suot na pang-itaas kaya kitang-kita niya ang mga sugat nitong hindi pa naghihilom.

BINABASA MO ANG
A World Ruled By Fox: Nine Tailed Fox And The Human Pet (COMPLETED)
Fantasía[SEASON 1] What will you do if you woke up and you are in a world of Fox? A fox in human form with a cute ears and long tail? Will you stay there? Or try to escape? All Rights Reserved ©2020 **** Cover made by @Animoons DATE STARTED : December 29, 2...