Nanatili ang ngisi sa labi ni Saito habang nakatingin sa babaeng pinsan na si Sachie.
"Ano at naririto ka, Sachie? Hindi ba't nasa ibang lupain ka batay na rin sa sinabi ng iyong ama?" Saad niya.
Tumawa ito bago lumapit sa kinaroroonan nila at masiglang ginulo ang buhok ng kanyang kapatid na agad namang sumimangot.
"Kinagagalak kong makita kayo muli aking mga pinsan" ani Sachie sa masiglang boses.
Napailing-iling siya bago tinungo ang pinto. "Magpadala kayo ng maglilinis sa silid na ito" turan niya sa mga bantay bago tumingin kay Sachie at Laito. "Sa silid aklatan tayo mag-usap."
Una na siyang lumisan sa silid na iyon saka nagtungo sa silid aklatan na malapit lamang sa kanyang silid. Hindi rin nagtagal ay nakasunod na sa kanya ang dalawa na mabilis nagsiupo sa pahabang sopa samantalang naupo naman siya sa katapat ng mga ito.
"Mabuti at naisipan mong dumalaw sa aming tahanan. Matagal-tagal na rin nang ika'y maparito" panimula niya na kinatawa ng kanyang pinsan.
"Alam mo naman na maraming pinapagawa sa akin si ama. Sadyang ngayon lang ako nagkaroon ng oras na bumisita gayong katatapos ko lang gawin ang tungkuling iniatang sa akin ni ama" paliwanag nito.
"Kamusta na si Samuya?" Tanong naman ni Laito kay Sachie.
"Mabuti ang kanyang lagay, aking pinsan. Salamat sa pagtatanong" ani Sachie habang nakangiti.
Napatingin ito sa kanya habang nakangalumbaba naman siyang nakatingin sa dalawa. Hindi nalalayo ang edad nito sa kanya kaya magkasundo sila dahil na rin halos sabay silang lumaki.
"Bakit gan'yan ka makatingin?" Ani pinsan niya.
Sumeryoso ang mukha niya bago nagsalita. "Paniguradong may dahilan ang pagpunta mo rito maliban sa pagtatapos ng iyong tungkulin. Kabisado kita kaya alam kong may dahilan ang pagtungo mo rito. Ano iyon at sabihin mo sa akin upang walang mangyaring gulo."
Tumawa ito at pinaglaruan ang mahaba nitong buhok gamit ang mga daliri nito.
"Tulad ka pa rin ng dati. Mapag-usisa at mahirap lusutan" ani pinsan niya. "Tama ka. Dito talaga ang sadya ko matapos ang tungkuling ibinigay sa akin ni ama."
"Ano ang ipinunta mo rito?" Seryosong tanong niya rito habang nanatili namang tahimik ang kanyang kapatid.
"Tungkol iyon sa bago mong alaga na nagngangalang Kiira Sakamaki" saad nito.
Mabilis na kumuyom ang mga palad niya. Ang ama ni Sachie ang tinaguriang pinakamatandang konseyo ng kanilang lugar. Ito ang presidente at kasalukuyang namamahala sa konseho kaya't malamang na may nalaman ito.
"Ano ang kailangan mo sa kanya?"
"Wala naman akong kailangan sa kanya" ani pinsan niya, "ngunit si ama ay mukhang meron."
BINABASA MO ANG
A World Ruled By Fox: Nine Tailed Fox And The Human Pet (COMPLETED)
Fantasía[SEASON 1] What will you do if you woke up and you are in a world of Fox? A fox in human form with a cute ears and long tail? Will you stay there? Or try to escape? All Rights Reserved ©2020 **** Cover made by @Animoons DATE STARTED : December 29, 2...