Abot langit ang kaba ni Kiira gayong ibang Saito ang nakikita niya. Dahan-dahan itong bumaba sa bintana at tumuntong sa silid niya.
Hindi niya alam kung ano ang nangyayari rito pero kinakabahan siya. Hindi niya alam kung kilala pa ba siya nito sa uri ng tingin nito sa kanya.
Ang kulay itim nitong mga mata ay napalitan. Sa kaliwa ay asul habang sa kanan ay dilaw. Ang buntot nito ay wumawagayway at ang buhok nito ay lalong tumingkad.
"Saito..." Muling bigkas niya sa pangalan nito.
Unti-unti itong lumapit sa kanya na nanatiling nakatayo sa kinatatayuan niya. Hindi niya magawang umatras dahil naniniwala siyang hindi siya nito sasaktan.
Sa paglakad nito ay napatigil ito at napatingin sa pinto ng silid niya ng sunud-sunod na katok ang narinig nila na sinabayan pa ng pilit na pagbubukas ng seradura ng pinto.
"Kiira! Buksan mo itong pinto!" May kalakasang turan ni Hayato.
Kita niya ang pag-usbong ng kung ano sa presensiya ni Saito. Nagngangalit na itinaas nito ang kamay at handa na sanang maglabas ng enerhiya nang bigla niya itong pinigilan.
Napatingin ito sa kanya saka siya marahang ngumiti bago umiling. Unti-unti ay naramdaman niya ang pagkalma nito.
Tumingin siya sa nakasaradong pinto ng silid niya at nagsalita.
"Ayos lang ako. Ako na ang bahala sa kanya" aniya kay Hayato na siyang kanina pa kumakatok sa pinto ng silid niya.
"Ngunit---"
"Makinig ka na lamang sa akin, Hayato" aniya sa seryosong boses hanggang sa marinig ang yabag na papalayo.
Muling humarap siya kay Saito na kanina pa nakatingin sa kanya.
"Saito..." Naituran niya habang nakatingin sa malamig nitong mga mata.
Ramdam niya na hindi pa bumabalik sa dati ang anyo nito pero hindi niya magawang tumakbo palayo rito gayong mas nananaig ang lakas ng loob niya na hindi siya nito sasaktan.
Ngumiti siya kay Saito at siya na mismo ang kumuha ng sarili niyang dugo gamit ang hintuturo niya mula sa braso niyang sugatan.
Nagkita sila ni Saki kanina at kamalas-malasan na may nakasagupa silang mga asong lobo kanina kaya siya nasugatan. Mabuti na lang at nakauwi siya bago pa man siya mahanap ng mga kasama niya.
Nakangiti pa ring nakaharap siya kay Saito at iniumang ang hintuturo niyang may bahid ng dugo niya. Kahit sa estado nito ay kita niya na nag-aalangan ito.
Iniangat niya ang isang kamay niya at hinawakan ang pisngi nito saka ngumiti. "Sabihin mo sa 'kin ang kailangan mo, Saito. Kahit ano, ibibigay ko sa 'yo."
Nahuli niya ang pagkislap ng mata nito bago unti-unting inilapat ang malalambot nitong labi sa hintuturo niyang may dugo niya. Nakatingin ito sa kanya habang ginagawa nito iyon hanggang sa mawala ang dugo sa hintuturo niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/248354152-288-k595782.jpg)
BINABASA MO ANG
A World Ruled By Fox: Nine Tailed Fox And The Human Pet (COMPLETED)
Fantasía[SEASON 1] What will you do if you woke up and you are in a world of Fox? A fox in human form with a cute ears and long tail? Will you stay there? Or try to escape? All Rights Reserved ©2020 **** Cover made by @Animoons DATE STARTED : December 29, 2...