Kabanata Apatnapu't Tatlo

122 10 0
                                    

Inaasikaso ni Kiira ang mga papel na pinapaasikaso sa kanya ni Ginoong Tairo.













Siya nalang ang nag-iisa sa loob ng silid-aralan dahil pinauna na niya ang iba na kumain. Kinakailangan niyang matapos ang ginagawa dahil kailangan na niya iyong ipasa kay Ginoong Tairo.













Narinig niya na nagbukas ang pinto kaya nagsalita siya habang nakatingin pa rin sa papel na hawak.














"Tapos na ba kayong kumain?" Tanong niya ngunit wala siyang nakuhang sagot. "Bakit hindi ka---" hindi na niya natapos pa ang sasabihin nang mapagsino ang pumasok sa silid na kinaluluanan niya.














Naiinis siyang makita ang nakangisi nitong mga labi na para bang hilig na nito ang mang-asar. Kumuyom ang kanyang mga kamao at padabog na tumayo saka humarap rito.














"Paano ka nakapasok rito?" Matapang na tanong niya habang sinasalubong ang tingin nito.














"Hindi mo man lang ba ako kakamustahin, mahal kong Shami?" Saad nito na nakangisi pa rin habang itinaas ang dalawang kamay patagilid.














"Hindi ako si Shami, Shen" aniya habang mas dumidiin ang kanyang pagkakakuyom.














Hindi niya alam kung paano nakapasok si Shen sa eskwelahan ni Saito ngunit hindi maganda ang kutob niya.














Nag-umpisa itong maglakad palapit sa kanya kaya kusang nagliwanag ang kanyang kamay upang depensahan ang sarili.













Tumawa ito ng mahina at naglakad lalo palapit sa kanya dahilan upang mapasandal siya sa gilid ng kanyang lamesa. Ipapatama niya sana ang gagawin niyang atake rito nang mabilis nitong nahawakan ang palapulsuhan niya at inilagay iyon sa likuran niya kaya sa lamesa niya tumama ang ginawa niyang pang-atake.














Nanlaki ang mga mata niya ng maramdaman na babagsak siya. Handa na sana siyang tumili ng biglang tinakpan ni Shen ang bibig niya at hinapit ang beywang niya palapit rito.













Nanlalaki ang mga mata na tumingin siya sa mga mata nito. Nang makita ang paglaki ng ngisi nito ay mabilis niya itong itinulak palayo na tinawanan lamang nito.














Galit ang mga mata na tumingin siya rito. Hindi niya gusto ang napapalapit rito lalo na at kalaban nila ito at hindi maaasahan.













"Wala man lang bang pasasalamat sa aking ginawa?" Saad nito habang nakangisi.














Gustung-gusto niyang punitin ang ngisi nito ngunit kailangan niyang kumalma.














"Ano ang ginagawa mo rito?" May diing turan niya rito.













Tumawa lang ito at naupo sa isa sa mga lamesa. Napabuntong hininga nalang siya at itinapat ang isang palad sa nawasak na lamesa at mga nasirang papel saka iyon ibinalik sa dati. Parang walang nangyari sa lamesa niya at naibalik sa dati ang lahat.













"Kahanga-hanga ang iyong kapangyarihan, Kiira. Bagay na bagay iyon sa iyong ganda" saad nito.














A World Ruled By Fox: Nine Tailed Fox And The Human Pet (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon