Kabanata Animnapu't Tatlo

96 10 1
                                    

Walang emosyon na nakatingin si Kiira sa kutsilyong ibinigay sa kanya Mihiko.











"Dumating na ang oras, Mihiko. Ramdam ko ang iyong presensiya sa tuwing hawak ko ang ibinigay mo sa akin" aniya habang nakatingin sa kutsilyo.



















Hindi siya lumingon sa pinto ng kanyang silid ng may kumatok roon.












"Kiira..."












Napabuntong hininga siya ng marinig ang boses ni Saito at itinago ang kutsilyo bago humarap rito.












"Handa na ba ang lahat?" Tanong niya rito.












Tumango ito saka naglakad palapit sa kanya.



















"Mabuti kung ganoon nang---" hindi niya na natapos pa ang sasabihin ng maramdaman ang mga braso nitong pumulupot sa kanya.













"Saito..." mahinang bigkas niya sa pangalan nito.












"Paumanhin" bulong nito habang nakayakap pa rin sa kanya. "Paumanhin kung ang dami kong naging pagkukulang. Paumanhin kung nagbigay ako ng motibo na hindi ko dapat ginawa."













Napapikit siya kasabay ng pagtulo ng kanyang luha. "Wala kang dapat na ihingi ng tawad sa akin, Saito."












A World Ruled By Fox: Nine Tailed Fox And The Human Pet (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon