Maling Panahon

4 0 0
                                    

Isang tao
na dumating nang kusa sa buhay ko.

Oo
Isang tao na nagbigay ulit ng ngiti na dati'y nagbago.

Sapagkat nilusob ng isang daang libong sundalo ang nag-iisa kong puso.

Sa sakit at tindi ng digmaa'y para sa pag-irog sa mapanlinlang na tao't manloloko.

Tila ba'y ako'y wala pang panahon para rito.

Subalit may isang pagkakataon
May isang tao na bumuo ulit ng ngiting dati nang sa bangin ay binaon.

Ngunit mukhang masasayang na naman ulit ito sa isang taon.
Dahil may takot na humihila't sa aki'y lumalamon;

Pawang ang langit na aking inaasam ay patuloy akong tinataboy
KASAMA ang matataas at mabibigat na mga alon!

Oo! gusto kita.
Simula nung nagkatinginan pa lamang tayo't hindi na matanggal sa iyo ang aking mga mata.
Mga mata na hustong natatanaw ang iyong halaga.
Pero pasensya.

Paumanhin marikit na binibini.
Takot na ako.

Takot na baka lahat nalang ay magbago.

Ayoko na.
Ayoko na.
Ayoko ng panandaliang landian na
wala ring patutunguan.

Na madali lang akong sukuan.
Pero alam mo,
masakit 'man sa aking puso;

Hinahangad at nagagalak ako sa iyong presensya,
hindi mo 'man batid ang mga naging handaan at kasal sa aking guniguni.
Dulot nang kasiyahang hatid mo'y gusto kong isukli.

Gusto kong ibahagi't mahagkan mo ang paghanga ko sa iyo ngunit hindi ako handa.
Dahil mukhang mahuhulog lang ako.
Sa kabiguan.
At lalo akong mabibigo dahil hindi ko susubukan.

Oo, ikaw na maaaring maagaw pa ng iba.

Sapagkat dumating ang araw na nakita ko ang hugis ng iyong labi't parang buwan na nakababa.
Masaya ka kasama ang iba.

Gusto ko magselos ngunit naalala ko'y tagahanga mo lang ako.
Tagahanga mo lang ako.
Wala akong karapatang magselos.

Kaya't kung magbukas 'man ang puso ko sana'y kaya ko na.
Kayaning makuha ang siyang minimithi kong maging sinta.

Dahil ayoko na hindi ko mabigay ang buong ako.
Hindi iyon ang para sa iyo.

Ninanais kong ibigay ang buong mundo para sa iyo.

Baka sakaling maling panahon lang heto.
O bagkus ako ang mali't malabo't maging sa'yo.

Note: The image used in this work is for portrayal purposes only. I do not claim ownership of the said photo. Any names, place or year mentioned in the said work is inspired by work of fiction and personal experiences. Strictly no copying of the said work as it is punishable for Plagiarism.

Jeih's PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon