Bihirang Kaibigan

21 0 0
                                    

Bihirang Kaibigan

Maalala mo pa kaya kaibigan?
Sa isang sulok ika'y napikturan?
HAHAHAHa tawa ako ng tawa sa iyong nakaw na larawan.
Hindi ko inaasahan na ika'y magiging isa sa aking magigiting na kaibigan.
Lalo na nung sinuportahan mo ako ng tapat,
Ng walang kapalit sa lahat-lahat.
Itinuring mo akong kapatid,
Sa kasiyahan ako'y muli mong hinatid,
Pasensya na hetong kaibigan mo ay maharot sa mga babae.
Marahil nasaktan lang ako at nagbago.
Ngunit dahil sa iyo ay nabuo ang mga masasayang alaala ko.
Hindi lang sa mga naging jowa ko.
Kundi dahil naging parte ka ng buhay ko,
Kasama ang mga masasayang salu-salo ng ating mga kaibigan
Napakaswerte ko na nakahanap ako ng isang kaibigang tulad mo,
Dahil ay iyong mga salita ay tinutupad mo.
Saka higit sa lahat kahit nasasaktan ka rin ay mas pinili mong tulungan ang isang tulad ko.
Hindi ko malilimutan ang iyong pagtitiyaga sa isang makulit na tulad ko,
Minsan nga'y napapatanong ako sa sarili ko
Bakit kaya kahit marami kang ginagawa nakakayanan mo pa rin bigyan ako ng atensyon?
Kaya nga minsa'y nahihiya ako sa iyo pero naging higit ang tiwala ko sayo dahil sa iyong dedikasyon.
Isa kang pambihirang kaibigan,
Na hindi napapalitan,
Ng kung anong 'mang diamante o ginto sa mundo.
Anumang maging gampanin natin sa kinabukasan,
Nandito lang ako't suportado,
Nang makabawi rin ako sa iyong kabutihan.
Salamat sa lahat aking minamahal na kaibigan.

Jeih's PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon