Nakaraan ka na
Sa pagsibol ng bawat bunga,
nagsigiliwan ang mga puno sa isa't isa;
Kaliwanagan ay nasilayan ng matamis na umaga,
subalit ang problema'y hindi mawawala.Kasinuwalingan nama'y yumaong na.
Dahil nakaraan ka na.
Hindi ka na makakabulabog pa,
sa isip na unti-onting pinapatibay ng musikang mapayapa.May mga tao 'mang pilit na
ika'y ginagamit at binibigkas pa.
Ang diwa ng pagmamahal ay hindi matitinag at manghihina;
Sapagkat ang pag-ibig ay nakaduyan sa pusong bukas na nahahabag at naaawa.Nakaraan ka na,
wala nang dapat balikan pa.
Mga nakagawiang makabuluha'y ipinamalas,
na siyang nagpalambot kahit 'man ang bibig at katawan ay nadungisan sa tukso ng ahas.Nakaraan ka na,
dahil may mga magigiting na ngiti ang magsisiliwanag;
Nang sarili'y sasayawin hanggang sa pagsilip sa repleksyon sa salaming saksi sa kanya.Hanggang sa muli't salamat kaibigan sapagkat hindi na kita babalikan. Dahil nakaraan ka na't ika'y magsisilbing aral sa susunod na pagsubok na aking tatahakin.
BINABASA MO ANG
Jeih's Poems
PoetryI love writing poems/mga tula kasi heto lang ang nakakagamot sa aking isipan kapag puno na ng mga bagay na nakakabagabag sa aking buhay at kapag masyado nang mabigat ang aking damdamin. Ipagpaumanhin niyo nalang ang aking mga pagkakamali sa ayos ng...