Ang Iyong Ngisi

56 2 0
                                    

Sinta?
Naalala mo pa kaya?
Kung papaano ako nasisiyasat ng iyong mga ngiti?
At kung paano ko iyon inilihad sa iyo?
Gusto ko lang maipahiwatig dito sa aking tula
Kung paano ang ngiti at ngisi ay nagkatugma
At dati nung ako'y nanliligaw pa lamang sa iyo
Habang ginagamit ang mga salitang sasabak at susubok sa laban ko para sa iyo.
Simple lang iyon pero nakakamangha
Ang ngiti na iyong ibinibigay ay siyang naging patnubay.
Habang ang ngisi mong tunay ang siyang naging pamagat nitong sanaysay.
Na kung saan andito ako sa kinatatayuan ko
Andito ako dahil sayo
Ngayo'y itutuloy ko muli ang aking mga tula
Na hindi lang puro matatamis na salita.
Mahal ikaw ang parteng nawawala sakin.
Mahal pasensya noong ako'y mapag-angkin
Pinili ko ang kasiyahan ko na sa huli ay ikaw pa rin.
Ikaw pa rin ang siyang bumuo sakin
Ewan ko ba kung bakit parang panaginip ang lahat ng nangyare.
Sa sobrang bilis ng pagsulong ng oras naiwan ako sa ere.
At eto ako na napakaswerte.
Pagkatapos maubos ng sakit ang aking mga parte
Sa puso ko't sa pagbabalik mo hindi ko maihulma ang saya na hinain mo.
Ang pagpapatawad na dala-dala mo sa bawat pagyakap mo.
Sa bawat yapak ko malapit sa kinatatayuan mo'y ginaganahan ako
Dahil sa wakas buo na ulit ako.
Kasama ang binibining minamahal ko.
Minamasdan at ikinagagalam ang nakangising kay gandang dilag na mistulang nagniningning na ilaw.
Heto akong maharot na ang puso ay lumilitaw.
Salamat,
Mahal.

Jeih's PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon