Sa tagal ng dumaloy na panahon.
Nandito pa rin ang tanong na-
saan nagkamali? p-puwede bang bumawi?Bawat umagang pinipilit lang ibangon.
Iniisip ang nakaraang tapos na't
napagtantong puso'y piniling masawi.Masawi ang isang bagay na sana'y tumagal pa sa ating nayon.
Nagsisisi sa pagtikim sa tukso na-
hindi na mababago sapagkat iyon ay nagawi.Alaala nalang ang mga kaibigan, kasintahan at kakilala
na hanggang ngayo'y pinanghahawakaan;
Dahil mas maganda sana ang buwan.kasama ang isang natatanging kasiyahan;
kaakap, kausap at ka-irogan;
na siyang iniwan at nasaktan.Kawalan ng lakas ang siya lamang, bumabalot sa aking mga kalamnan.
Gusto kitang kausapin at masabihan 'man lang,
kung pwede ba'y ibalik mo ang dating ako na binuo mo.Ngunit napakadaya ko naman kung ako lang ang maghihilom.
Alam mo ngayon ko lang muli binalikan ang ganitong pagmumuni-muni.
Mahal pa kita, minahal pa kita at kahit wala ka ay minamahal ko pa din ang alaala na ikaw lamang ang nakapuna.Nakapuna't sa isipang naglalaro sa dagat na patuloy ang pag-agos.
'Ika nga ng ben&ben, kaya't pasensya ka na sa mga kathang isip kong ito-
wari'y dala lamang ng pagmamahal ko sa iyo.Mandaraya ako, pero sa huli ako ang talo.
Dinaya ko ang sarili sa paglilihim ng lubos kong pag-aaalala sayo.
Pagpigil sa pagpatak ng aking mga luha't humihinagpis sa kabilang dako't nagkukunwaring kakayanin ko.Hindi ko 'man lang naipakita sa iyo
Dahil sumuko ako.
Kaya't pasensya ka na.Nakakatuwa't nakakapanghinayang.
Para bang binuhusan mo ng mahika ang aking isipan.
Dahil sa mga salita mong pipiliin mo pa rin ako kahit maghiwalay pa tayo sa dulo.Bakit ka ganyan?!
Paano ka naman!?
Sa dami ng taong pipiliin mo't sana iba nalang ang iyong naka-ibigan.Gusto kong sabihin na
Mahal pa kita
Pero 'di ko magawa't 'di makapagsalita.Dahilan na rin ng kay raming panahong lumipas.
Alaala mong ninais na kumupas.
Subalit hindi ko inasahang mas lalo itong lalakas.Saan ka 'man pumaparoon sana'y ikaw naman muna ang mahalin mo.
Hinahangad ko lamang ang iyong paghilom at pagbangon.
Na kung sinumang nag-aalaga sayo ngayo'y mahalin ka ng lubos at walang pag-aalinlangan.
BINABASA MO ANG
Jeih's Poems
PoëzieI love writing poems/mga tula kasi heto lang ang nakakagamot sa aking isipan kapag puno na ng mga bagay na nakakabagabag sa aking buhay at kapag masyado nang mabigat ang aking damdamin. Ipagpaumanhin niyo nalang ang aking mga pagkakamali sa ayos ng...