Kamusta ka nga pala?
Bagama't alam kong di mo na ako inaalala.
Hindi ko 'man masabi sa iyong harap ang ating mga alaala.
Tara ipapakita ko sa iyo ang ngayo'y wala na.Ang lumipas na araw,
Tila parang kahapon lang... ika'y kay saya kong tinatanaw.
Sa iyong presensya ako'y uhaw na uhaw!Hindi ko malilimutan ang mga panahon na nagbabanggaa't mahigpit ang kapit ng ating mga palad sa paglakbay.
Ngunit 'di ko namalayan na ang paningin ko pala'y iyong nilulusaw.
Nasiyahan ata ako ng sobra sa puntong nawawalan na ako ng malay!Ang saya pa nga natin dati e
May payakap-yakap ka pa nga sa likod ko eh... dati.
Iyong kahit saan tayo mapunta kakwentuhan kita sa kahit anumang bagay.
Tapos matatapos lang ang kwentuhan na iyon hanggang sa mahatid kita sa iyong bahay.Ang saya-saya nga hahaha pero may kapalit pala.
Nang may pumasok nang iba ganun lang ba kadali mangbalewala?!
May payakap at halik,
Ngunit may pagmamahal pala na hindi na naibabalik.Oo! mali... mali na umasa ako na ang pag-ibig ay bumabalik.
Pero iyon lang.. haha.. iyon lang naman ang hiling ko at hindi ang iyong mapait na halik!Ang lumipas na araw,
Sa totoo lang umaga na ako nakakatulog dahil sa pag-aalala sa iyo.
At nung lumamig ka ako'y naiwang nag-iisa at giniginaw.
Tila ang kasiyahan ko ay hindi na naging totoo.Ang lumipas na araw,
Para kang tubig sa balde na umaapaw.
Punong-puno na sa pagmamahal hanggang sa 'di mo na maramdaman.Ang hirap!
ang hirap tanggapin pero iyon na pala ang ating hangganan.
Hanggang sa naligaw ako;
Nabulag mo ako't pinilit kong ipikit ang mata ko sa katotohanan sa pagdiskubre ng iyong tunay na pagkatao.
Alang-alang sa pag-ibig ko sa iyo.Akala ko nung ipapakilala mo na sana ako sa iyong ina ako na ang babago sayo.
Ang dami ko pang iniwasan na mga nakaraan mo.
Pero hindi pala ako ang gagabay sa'yo,
'Nang sirain mo ng palihim ang isang tulad ko!Hindi pa pala kita lubusang nakilala.
Nang malaman ko na sa katahimikan mo ay may tinatago ka na pala.
Pwede mo namang sabihin sa'kin pero wala!
Binalewala at nilapastangan mo ang aking pagtitiwala.Ang pagtitiwala sa taong minahal ko,
Sa taong hindi ko tinaguan ng sikreto.
Pero napunta pala ako sa maling tao.
At heto'y alaala nalang tungkol sa taong aking minahal , na ako'y sinaktan, at ang masaklap pinaglaruan!
Ang taong ito ang dahilan kung bakit lumipas ang araw.Ps. I didn't do all this myself so I give credits to a special friend of mine namely, Ethan Lawrence Salongga HAHAH jk Samonte kasi.
BINABASA MO ANG
Jeih's Poems
PoetryI love writing poems/mga tula kasi heto lang ang nakakagamot sa aking isipan kapag puno na ng mga bagay na nakakabagabag sa aking buhay at kapag masyado nang mabigat ang aking damdamin. Ipagpaumanhin niyo nalang ang aking mga pagkakamali sa ayos ng...