To you, My darling

0 0 0
                                    

(P.S. hindi po heto tula, saloobin lamang po.)

I do not know why it frustrates you for me to say that I might not have time for you always. Perhaps now you understand what I mean. And maybe I am not good with words anymore. Pero just like you ginagawa ko naman makakaya ko para maging available sayo. Ang pinupunto ko lang na what if nag-aaral ako then di kita mareplyan agad, ayun yung sinasabi kong sana maintindihan mo. Alam mo ang sakit lang. I know ang sakit sakit din ng sinabi ko na mamatay nalang ako. Nakakabigla kasi. I know nagsorry ka na, pero parang ang sakit sakin nung sinabi mo na halos wala na akong oras sayo. Kaya ako napasabi ng salita na hindi ko naman gustong sabihin talaga. Hindi ko na siguro mababawi yun. Maski yung sinabi ko na huwag mo na akong kausapin. Pero sa kalooban ko gusto ko lang talaga na maintindihan mo ako. Ang kaso sa paraan na ginawa ko, wala nga ako sa modo. Para kasing hindi ka interesado sakin. Pero aside from that hindi ko alam kung hindi mo alam na hindi mo siya nagagawa. kapag nagiloveyou ako minsan hindi ka na nagsasambit pabalik kapag nasa call. I know na hinahanap mo yun after good night. And inisip ko nalang na sa actions mo nalang gagawin. Maybe hindi posible na everyday mahal na mahal natin ang isa't isa. Kahit ganun lagi mong tandaan pipiliin kita. Kahit ang sakit na hindi mo ako sinusunod. Ayun nga lang kasalanan ko din. Tatanggapin ko nalang. Baka ganito talaga ang umibig. Paulit-ulit na luluha.

Though hindi naman iyon ang purpose netong kahabang mensahe. Ang purpose neto ay sabihin ko sayo na kung gaano ka kahalaga sa akin. Hindi ako mag-alinlangan magsakripisyo para sayo. Kagaya nga nung monday. Sa totoo nga eh, ilang beses na akong binibisita ng mga pangit kong ugali maski ang pag-iisip ko. Pero pagdating sa iyo nalalabanan ko iyon. Iyung galit na baka sakaling kinakaya mo akong awayin ay baka balewala nalang ako sayo. Hindi naman iyon totoo. Nawawala din iyun. Minsan natatanong ko kay God. Heto ba yung kapalit nung sakripisyo ko? Though unfair naman nun dahil marami ka ding pagsasakripisyo para sa akin. Nasabi ko lang naman yung sinabi ko na kinasakit mo ay dahil napapagod ako sa paulit-ulit kong pagbagsak. Gusto ko lang ibigay yung ibang time na mayroon ako para sa sarili ko. Hindi ko masabi sa iyo dahil baka hindi mo ako maintindihan. Nasabi mo agad na baka need ko ng space. No hindi sa ganun yun.

Wala naman akong maibibigay sa iyo kung hindi iyon magsisimula sa maibibigay ko sa sarili ko. Na kung sakaling mawala na yung taong ako na mahal mo pasensya nalang at baka patay na yung tao na yun. Wala namang masama sa pagiging clingy mo and need ng attention. Ang sa akin lang, huwag ka namang magagalit o magtatampo kapag nababawasan yung atensyon ko sayo. Gusto ko lang ibuo yung para sa kinabukasan natin. Hindi ko alam kung mapapakinggan mo ako. Sa sinabi mong bahala na ako. Para mo akong sinaksak sa dibdib at wala ka nang pake sakin. Well kung mawala din naman yung ikaw na mahal ko. Hindi ko masabi kung anong tao ang matatagpuan ko. Oo ang bilis ko magalit o magsabi ng bagay na hindi ko naman gustong sabihin. Pero hindi ibig sabihin sinasadya ko yun. Mas pipiliin ko nalang siguro manahimik.

Ayaw na ayaw ko kasing kulang ako. Para sa iyo na napakadami ng talents hehe. Para akong nanliit sa sarili ko. Though ayun lalaban nalang habang kaya pa heheh. Salamat Darling sa pagmamahal mo. Sobrang masaya ako nung holy week. May ups and downs 'man and ayun nakita ko naman kung paano mo ako mahalin. Hindi ko alam kung paano makikipag-ayos sayo dahil nga sa hindi natin pagkakaintindihan pero kung makita mo heto, well just know na gusto talaga kitang makausap pero nasasaktan ako na hindi ka okay at hindi mo rin inalagaan sarili mo. Mahal kita, hindi dahil sa hugis mo at iyong mukha. Kundi dahil kung sino ka.

Jeih's PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon