Para sa ako ngayon

22 2 0
                                    

Alam mo
Hindi mo dapat minamaliit ang sarili mo
marami kang kayang gawin
Higitan yaong iyon at tahakin,
huwag kang mawalan ng tapang at tiyaga.
kung bumibigat ang lahat-lahat magdasal ka.

Magpahinga kapag ramdam mong ayaw mo na.
At tumingala ka sa kalawakan.
pagmasdan mo ang kagandahan
ng mga ulap at kalikasan.

Suotin ang mga ngiti
anumang hugis niyan o hati
ay nagpapasaya sa iyong mga nakakasalamuha,
at sa iyong pinagdadaanan ay kailangan mo ring lumuha.
Upang iyong makuha,
ang iyong mga minimithi.

Marilag ang mga pangarap mo.
Dahil tinitiyak ko na magiging tumpak ka sa hangarin ko.
Kahit dumilim at naging kabalidtaran ang iyong pagiging mabuti.
Walang masama sa iyong magiging pag-iwas,
ngunit tandaan mo na hindi lahat ay dinadaan sa salitang iwas.
May mga bagay na hindi mo puwedeng iwasan,
mga problemang nangangailan ng kaayusan,
kalinawan,
kagalingan
at karanasan.
Ito ay binubuo ng iyong pakikibaka
minsa'y mga haka-haka,
sa sitwasyong kailangan ng ikaw.

Sapagkat ikaw ang siyang hinihiling,
ng panahong ikaw lang ang tinatanaw,
umaasang magkaroon ng mga magigiting
na katangiang hindi makakamtan sa isang araw.
sapagkat inihahantulad mo ang iyong sarili sa buwan,
sa buwan na hindi naman ikaw.
Oo, may panahon na hindi sang-ayon ang panahon sayo't minsan duguan..
Oo, hindi 'man literal pero ikaw,
bakit kailangan mong maging isang buwan,
kung kakayanin mong maging araw.

Ano ang iyong rason sa iyong kagustuhang
maging isang buwan na sa gabi lang lumilitaw.
kasalungat sa totoong ikaw.
Datapwat balang araw ay alam kong mababago mo rin.
Ang iyong pagtingin,
sa sariling kumakausap sa iyo upang sabihin,
na higit ka pa nga sa isang bituin.
Higit ka pa sa isang bituin na sa gabi lang kumikinang,
higit ka pa sa isang bituin dahil likha ka ng diyos ama.
Higit ka pa sa isang bituin dahil ikaw ay mahalaga.

Wala akong pagpupuri sa iyo
datapwa't kailangan mo lamang alamin kung sino ang ikaw o iyo.
Ang iyo na hindi ibang tao bagkus ikaw,
oo, ikaw ulit.
Paano ka hahamon sa masalimuot na mga kaganapan,
kung hindi mo kayang paghirapan,
ang iyong kaisipan at paninindigan,
nang sa ganu'y ito'y matuklasan.

Maaabot mo rin ang gusto mo
subalit ang taglay mo ay hindi iyo.
Magpasalamat ka sa Diyos na sa iyo'y lumikha.
Magpasalamat ka sa iyong naging tadhana.
Magpasalamat ka sa mga biyaya,
na sa tingin mo'y hindi mo karapat-dapat na tanggapin,
sa simula ng isang pagpapasalamat ang siyang pinanggagalingan ng lahat
ng kabutihan at kalakasan.
Upang ang isang buwan ay magkakaroon ng kanyang sariling ilaw,
ang araw
na sumisagisag sa kung sino ang ikaw.
Hindi ka 'man perpekto
sa lahat ng aspeto
ngunit isa lang ang totoo
Kaya mong higitan ang iyong pagkatao.
Magtiwala ka lang sa Diyos,
at ang lahat ng kabutihan ay sa iba rin ay iyong maibubuhos.

Jeih's PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon