Nagsibanggaan ang gabi't umaga
Tila lahat ng dilim ay natakluban ng init na matinding nagbabaga.
Mula 'man sa kanluran o hilaga;Isang bagay lamang ang siyang sumalpok sa aking puso't isipan.
Ang pagtungo ko sa iyo'y isang malaking sugal na may darating na kawakasan.
Baka nga lahat ng paghanga't pag-ibig ay talagang may hangganan.Napaaga ata ang paghulog ko ng loob sa tulad mo na hindi ko naman kilalang husto.
Ang nararamdaman ko'y hindi mapigil at matahan na para bang tagos na heto sa aking mga buto.
Nagagalak ako't natatakot at hindi mapakali sapagkat may nakaligtaan pala ako sa iyong yugto.Bakit?
Bakit kung kailan sanay na ako't payapa na sa iyong presensya'y may lihim ka palang tinatago?
Ayaw mo akong masaktan pero bakit hindi mo 'man lang nabanggit agad na sa iyong nakaraan ay may tinuturi ka pang tunay na minahal mong tao.
Ginusto ko ang mga nangyari ngunit nadudurog ako sapagkat hindi pa pala ako.Paano nalang kung maging aral nalang ako para sa iyo?
Kaya mo bang pawiin ang mga luha na ibubuhos ko ng palihim dahil sa kagagawan mo?!
Ngunit huwag kang mag-aalala ako nga pala'y sumugal sa iyo.Kasalanan ko din na hindi alamin kung anong nakaraan mo.
Subalit hindi kita huhusgahan sa mga nagawa mo.
Tatanggapin kita pero ako ba'y tanggap mo?Alam ko na kung san na heto papunta pero heto pa rin ako patuloy na nananatili sa iyo.
Kung dumating 'man ang araw na hindi na talaga ako para sa iyo.
Heto lang ang masasabi ko.May mga mali tayong nagawa pero ako na ang hahawak ng mga iyon.
Umusad ka sa buhay mo't piliin ang kasiyahan at huwag nang lilingon.
Harapin mo ang buhay na ibinigay sayo ng May Likha at patuloy kang umahon.Kung ako'y maging aral lamang at karanasan sa paglalakbay mo'y tatanggapin ko.
Kahit na maging labag heto sa loob ko.
Magiging masaya nalang ako para sa iyo pangako.
BINABASA MO ANG
Jeih's Poems
PoetryI love writing poems/mga tula kasi heto lang ang nakakagamot sa aking isipan kapag puno na ng mga bagay na nakakabagabag sa aking buhay at kapag masyado nang mabigat ang aking damdamin. Ipagpaumanhin niyo nalang ang aking mga pagkakamali sa ayos ng...