Kailangang kong umusad
Sa pagtapak sa apoy na hindi ko hangad
Kailangang kong umusad
Sa destinasyong nailatag ng kalawakan sa aking palad.Ang paalam ay hindi inaasahan...
Sarili ko na mismo ang nagsidiktihan.
Maaari ba kita munang iwan?
Sa paraang hindi mo matatanggap at malilimutan.Liliko ako bago umalis,
sasabihin ang lahat ng nais.
Mga huling salita aking tiniis,
Ako nalang ang huli't ika'y lumihis.Batid kong hindi ako ang iyong gusto.
Nasanay ka lang sa isang tao,
na puno lamang ng plano
kung kaya't lilisan na din muna ako.Dahil kailangan kong umusad.
Nasaktan mo ako at kasalanan kong ako'y naghangad
na baka sakaling sa bibig mo'y pangalan ko'y nakasaad.
Ngunit tanggap ko na na iba ang iyong hinahangadSa harap ko at sa iba
Ayokong manatiling reserba.
Masakit diba?
Naramdaman ko yan at ang isip ko'y para na lamang bumomba.Kaya't kahit ayaw kong iwan ka ay pipiliin ko muna ang sarili ko.
Magpapakamanhid at lalayo ako.
Itutuloy na lamang ang naiwang parteng nabuo.
Malaya ka at lakabayin mo ng may ngiti sa imong mga labi ang mundo!
BINABASA MO ANG
Jeih's Poems
PoesiaI love writing poems/mga tula kasi heto lang ang nakakagamot sa aking isipan kapag puno na ng mga bagay na nakakabagabag sa aking buhay at kapag masyado nang mabigat ang aking damdamin. Ipagpaumanhin niyo nalang ang aking mga pagkakamali sa ayos ng...