Aking dating sinta,
Sa alaala'y ika'y muling nagpakita.
Hindi ko maihulma ang aking nararamdaman,
Dahil ika'y naiwan ko na naman.Pero kung magkakaroon ng pagkataon na malaman mo lang.
Na masaya akong nakangiti kapag nababalikan ang mga alaalang,
Wala pang tayo noon;
Subalit daig pa natin ang isang magkasintahan sa alaalang iyon.Sapagkat M.U. 'man ang katawagang siyang pumaroon,
ang sigla at payapa na ating nabuo'y nakakapanghinahon.
Tila ba parang lumipas lang ng konting panahon.
At heto ako ngayon,
hinihiling na sana'y hindi na ako nagbago, sana'y nandito ka pa sa tabi ko.Dahil tuwang-tuwa ako sa dating sarili ko.
Puno ng pag-asa, pag-irog at katapatan sa iyo.
Maalala mo pa kaya nung aking itinanghal ang aking tula sa harap ng entablado at sa iyo't mga kaklase mo?
Grabe... para akong mangingisay sa kaba at 'tila tumigil ang mga oras na iyon.
Marahil nasaktan din kita sa halos dalawang taon.
Hindi ko rin hinihiling na magbago ang tingin mo sa tao na 'yon.Nagpapasalamat lang ako sa'yo,
Dahil nabigyan mo ako ng alaalang hindi na rin magbabago.
Lalo na ang mga yakap at malarosas na halimuyak mo.
Malungkot 'man o masasayang alaala,
Lahat nang iyon ay sa biyahe ko'y idadala.Magiging leksyon ang mga mali,
At ipagpapatuloy ko ang pagtutuwid ng aking mga pagkakamali.
Hindi na ikaw ang mahal ko ngayon,
Ngunit hindi ko ipagkakait na ika'y minahal ko ng lubos noon.Isa ka sa pinaka-nagbago ng buhay ko,
Sana'y sa aking paglisan sayo'y mapatawad mo rin ako.
Hindi 'man siguro ngayon subalit ako'y magpupursige para sa aking sarili at mamahalin ko ang sarili ko katulad ng kung anumang naibigay ko sa iyo.Ikaw ang aking dating tahanan na hindi ko na masisilungan
kapag may mga bagyong pilit na yumayakap sa ating dating ulan.
Maaari 'man akong dumayo sa iyo,
ngunit 'di na ikaw ang aking magiging kanlungan.
Mananatiling isang kakilala na may pagkakakilanlan sa naging nakaraan.Malimit na't hindi na siguro masasabi ang salitang, Salamat.
Pero kahit ganoon ay ibibigay ko ang aking pasasalamat dahil lalo akong tumibay nung wala ka na,
Sapagkat ayokong sabihin sa iyo na ako'y sumusuko na,
sa mga panahong, mga paa ko'y nakapasulong sa mga apoy na hindi maihulma ang init at buga.Kahit na mabigat ay pinili ko ang sarili ko dahil wala ka na.
Hindi ko rin kasi gugustuhing masaktan ka muli ng aking mga salita,
Sadyang sa mga oras na iyon ang isip ko'y magulo at kailangan kita.
Kaso, nagkamali rin ako hindi lang doon sa nagawa ko sa iyo,Kundi sa mga pagkukulang ko sa iyo.
Kaya't hinihiling ko dito,
Na kapag malungkot ka sa mundong ito;
Balikan mo lang ang ating masasayang alaala.
Hindi 'man naging perpekto ang naging wakas,hindi 'man tayo umabot sa handog ng ngayon,
ang iyong naiwang bakas sa buhay ko'y patuloy namang mananatili sa puso ko't bilang isang Malipayong Salamisim!
Ps. Photo is from pinterest and the credits belong solely to the rightful owner.
BINABASA MO ANG
Jeih's Poems
PoetryI love writing poems/mga tula kasi heto lang ang nakakagamot sa aking isipan kapag puno na ng mga bagay na nakakabagabag sa aking buhay at kapag masyado nang mabigat ang aking damdamin. Ipagpaumanhin niyo nalang ang aking mga pagkakamali sa ayos ng...