Naging matatag ako,
dahil pinipili mo 'ko
sa mga panahong puno ang isip ko
ng pagdududa't at haka-hakang nakakapako.Napapahikbi sa mga kirot at hinagpis,
gulong-gulo ang pusong dala ng aking pagmamalabis;
Nakaligtaan ang sinimulang matagal ng ninais,
nagwakas na ang lahat sa mga luhang nakagawa ng isang batis.Tuksong walang kabutihang patutunguan,
pagmamahalang binuo at pinaglaban;
Naglaho nalang na parang walang kahalagahan,
sana pala'y sarili'y pinagkatiwalaan.Anumang paumanhin
at sasabihin,
kapag nakasakit na't iyong nagawa'y lisanin;
ang siyang kasiyaha't pag-irog ay magiging isa na lamang habilin.
BINABASA MO ANG
Jeih's Poems
PoetryI love writing poems/mga tula kasi heto lang ang nakakagamot sa aking isipan kapag puno na ng mga bagay na nakakabagabag sa aking buhay at kapag masyado nang mabigat ang aking damdamin. Ipagpaumanhin niyo nalang ang aking mga pagkakamali sa ayos ng...