Sa paglipas ng mga araw
Sa pagsilay sa langit na bughaw
Sa pagtatapos ng gabing ika'y nalilito't naliligaw
Marahil ang oras ay unti-onting pumapanaw.Saan ba patungo ang iyong sarili?
Datapwat ikaw lamang ang makakagawa ng iyong huli.
sa walang katiyakang huling sandali
na handang tanggapin sa minutong lilipas at hindi na heto't gustong ihalili.Isang minuto
Nag-iisa nga ngunit itagos mo sa buto.
Dahil ang isang minuto
Ay kayang baguhin ang anumang nakataga sa bato.Walang humpay ang lakas ng isang minuto
Heto ma'y maikling panahon para matuto.
Ipapangako ko't mahalaga heto.
Sapagkat mababago neto ang mga panahon na hindi mo na't maibabalik ang nalagpasang minuto.Isang minuto na sana'y naibigay mo
Sa mga taong nasa paligid mo
Tunay 'man o hindi sa oras ng pangangailangan ano ba ang naibigay mo?
At kung ika'y nangailangan sila ba'y nasa paligid mo?Minsa'y nasa tao nalang heto
Ang mahalaga ay ika'y totoo
Sapagkat sa paglipas ng isang minuto
Na bago pa 'man ika'y nakapagtantoKapag nasa totoo ang iyong pagkatao
Walang duda't isang minuto'y magiging agimat mo.
Sa mga emosyon na maaaring humadlang sa iyo
At sa mga taong wala namang pakialam para sa iyo.Ngunit naghihirap ang taong madamot
Sapagkat sa pagbibigay ay tayo'y nagiging gamot
Sa mga sakit ng lipunang dala-dala ang nakaraang nakayayamot.
At ang may kakayahang lumunas sa maaaring isang minutong pagkakamali ay malalagpasan ang kanyang pagkabagot.Mapapalitan ng isang minutong kasiyahan.
Minsa'y lalagpas ngunit sa isang minutong natanan
Ay siguradong tatagal hanggang sa kanyang huling tahanan.
Mga masasayang alaala na walang alinlangang papakawalan at itatahan......sa mundong walang kapantayan.
BINABASA MO ANG
Jeih's Poems
PoetryI love writing poems/mga tula kasi heto lang ang nakakagamot sa aking isipan kapag puno na ng mga bagay na nakakabagabag sa aking buhay at kapag masyado nang mabigat ang aking damdamin. Ipagpaumanhin niyo nalang ang aking mga pagkakamali sa ayos ng...