May mga bagay na hindi na kailanman maaayos patungo sa tamis ng nakaraan..
Sabi nga ni mama kapag may problema ay lagi hetong may kaakibat na paraan
May mga diskarte ang bawat tao upang makaangat sa mundo
Ngunit humantong ako dito
Napunta na sa tamang taoSubalit sa aking kapabayaan
Siya pa'y aking niloko at iniwan.Suntok sa buwan na paniwalaan
Na ako na dati ding nasaktan ng isang manloloko
Ay natuto ding manakit at magloko.Sa dinulot kong sakit at kasakiman sa aking kapwa
Mga gabi'y dumating na walang mintis ang parusa ng aking mga luha.Nagsisisi at nalulumbay na para bang sumuko na ang aking kasiyahan
Sinayang sa tukso ang siya sanang tunay na pagmamahalan.Ngunit ako'y umaamin
Na hindi ako matatawag na makatotohanang tao dahil na rin sa aking pag-iwan sa kanya ay may binalak na akong pag-amin.Pag-amin sa tao na siyang nagustuhan.
Kahit alam kong tuloy-tuloy na ang aking pagiging talunan.Lumaban ako kahit na alam kong mali ako
Sumuway sa landas ng tama at sa huli'y napasuko.Gusto kong ayusin ang nagawing kasalanan
Ngunit huli na't hindi ko na muling maaayos ito sa taong itinuri akong tahananNapatay ng akalang siya ay aking mababalikan
Kahit na mas puti pa sa sinag ng buwan na ako'y sumobra na't wala nang mahahagkan.Kaya't kung sakaling dalawin ng isa sa atin ang mga alaalang ating binitawan.
Lahat ng tamis, pait at sakit ay aking panghahawakan.Sapagkat iyan ang mga bagay na hindi na mababago patungo sa mga bagong kinabukasan ng isa sa atin.
Ang agwat ng mga karagatan ay hindi ko na maihulma kung ito pa'y aking susukatin.Sa mga nagbabasa na nagbabalak magloko sa kanilang sinisinta
Binabalaan na kitaDahil may mga bagay na hindi na kailanman maaayos patungo sa tamis ng inyong mabubuong nakaraan.
Hindi imortal ang inyong puso at anumang kalapastangan ay siguradong may nakahantong na kaparusahan.
BINABASA MO ANG
Jeih's Poems
PoetryI love writing poems/mga tula kasi heto lang ang nakakagamot sa aking isipan kapag puno na ng mga bagay na nakakabagabag sa aking buhay at kapag masyado nang mabigat ang aking damdamin. Ipagpaumanhin niyo nalang ang aking mga pagkakamali sa ayos ng...