Ang pag-ibig ay tunay na nakakakilig,
Puno ng saya ngunit may mga ligalig.
Madalas sa mga palabas,
Ay tinatapos ng may magandang wakas.
Ngunit ang pag-ibig ay hindi laging masaya ang pagtatapos,
May mga kinulang, sumubra o sadyang bigla nalang natapos.
Hindi biro ang pag-ibig dahil eto'y puso ang kapalit.
Ang durog na puso'y hindi madaling humilom sa sakit.
Kaya't kung papasok ka sa pag-ibig,
Siguraduhin mong hindi lang nabuo iyon dahil sa kilig.
Handa ka't walang ibang kapiling,
Kapag nasimulan mo 'to pagsubok ay patuloy na darating.
Dahil ang pag-ibig ay parang pagtalon ng paulit-ulit sa gitna ng dagat,
Ng walang takot at lubos na tapat.
Ang dagat na hindi laging kalmado,
Ang dagat na hindi mo kontrolado.
Ang iniirog mong maaaring hindi rin sigurado.
Kung hanggang saan, at gaano katagal ang mabubuong pagmamahalan.
Gayunpaman kapag ito'y patuloy na inyong pinaglalaban.
Hindi 'man sigurado ang kinabukasan ay iyon ay tunay na pagmamahalan.
Ngunit kapag hindi tapat ay ika'y lalamunin ng dagat.
Lolokohin ng higit pa sa bilang na apat.
Kaya't hindi biro ang pag-ibig
Dahil kung sino ang iyong iniibig,
Ay siyang magiging parte mo,
Na sa pagkatao mo'y mabubuo.
Hindi biro ang pag-ibig dahil hindi ito minamadali
Parang sa kathang isip na ginawa ng ben and ben.
Gaano kabilis nagsimula gano'n katulin nawala.
Ngayon kung gusto mong masaktan ay piliin mo yung madaling mawala.
Dahil hindi biro ang pag-ibig lahat yan nagsisimula sa isang desisyon
Na sana'y hindi maging sanhi ng depresyon.
Kundi maging daan para sa inyong kasiyahan na dati'y imahinasyon...
BINABASA MO ANG
Jeih's Poems
PoetryI love writing poems/mga tula kasi heto lang ang nakakagamot sa aking isipan kapag puno na ng mga bagay na nakakabagabag sa aking buhay at kapag masyado nang mabigat ang aking damdamin. Ipagpaumanhin niyo nalang ang aking mga pagkakamali sa ayos ng...