Inspirasyon
Natagpuan ko siya sa isang pagkakataon na kung saan tinangkilik ko ang produkto ng isang binibini at matagal na ako'y naghihintay sa puwesto niya.
Sa sobrang tagal hindi ko na namalayan na may pagtingin na pala ako sa kanya
Tapos ilang beses ko pa siya tinatanaw
Letcheng mga mata nakakalusaw
Tila kapag wala siya ako'y uhaw na uhaw
Ngunit kapag dumaraan siya sa aking harap handa na akong pumanaw
Nakakahigh
Kapag senior high
lalo na't kapag siya'y aking nasisinagan
Para bang kasiyahan ay walang hangganan
Kaya pinagmasdan ko ang kanyang magagandang kilay
aba'y jusko sa sobrang aliw ko nawawalan ako ng malay
Kaya't sabi ko sa kaibigan ko
samahan mo ko daanan natin yung bebe ko
Crush bago ka umalis
Bibigyan kita ng mga tulang manamis-namis
Iaalay ko ang aking paghanga sa ganda mong taglay
Makita ka lang ang aking lungkot ay nalalantay
Sayo ako'y sikretong humahanga
Nasa isip ka hanggang sa paghiga
Bago ka umalis
Bigyan mo ko ng lapis
Iguguhit ko ang hugis ng iyong buong mukha
Pagsisikapang maging kamangha-mangha.
Gagawin ko iyon sa ngalan ng inspirasyon
Nang malaman mong presenya mo'y naging dahilan ng aking pagbangon.
BINABASA MO ANG
Jeih's Poems
PoetryI love writing poems/mga tula kasi heto lang ang nakakagamot sa aking isipan kapag puno na ng mga bagay na nakakabagabag sa aking buhay at kapag masyado nang mabigat ang aking damdamin. Ipagpaumanhin niyo nalang ang aking mga pagkakamali sa ayos ng...