Sa panahon ng kagipitan
Kapag wala kang malapitan
Masabihan
Hindi naman ako nag-alinlangan
Dahil nandito ako kaibigan.Mga taon na lumipas,
Hindi mo iyon pinalampas
Bumawi ka ng kabutihan sa maraming pagbabagong nagsihampas
Sa mga pagkataong nagsilikas
At ang kasiyahan ay siya ding lilipas.Pero ikaw kaibigan ka ba?
Pagkakaibigang matibay
Matitiba lang ba sa maliit na bagay?Hinangaan at sinundan.
Sa paglingon ay tila nasilaw at ako'y kinamuhian.
Bakas sa mata at katahimikan.
Pagsasamang hindi na pinapahalagahan.
Samahan pa na kaisipang heto'y aking tinuring kaibigan.Walang kulay akong maitatago
Kahit 'di mo ako kasama ay hindi kita ibinigo.
Ngunit sa iyong mga pagbibiro.
Tila'y sumobra na't ika'y bumingo.
Sa lihim na kabiguan ko't ikaw pa ang unang mangg*g*g*.Kaibigan ka ba?
Na kapag sinabihan ko ng sikreto ay tila iniiba mo.
Binabali mo ang tiwala ko sa iba na parang ikaw lang ang totoo.
Nakakahinayang pero hindi na ako magpapakab*b*Manatili ang gustong manatili.
Pero ang habulin ang gusto ng iba na nagkukunwaring mabuti sa akin?
Hanap nalang kayo ng mauuto niyo.
BINABASA MO ANG
Jeih's Poems
PoetryI love writing poems/mga tula kasi heto lang ang nakakagamot sa aking isipan kapag puno na ng mga bagay na nakakabagabag sa aking buhay at kapag masyado nang mabigat ang aking damdamin. Ipagpaumanhin niyo nalang ang aking mga pagkakamali sa ayos ng...