9. The Workstation 🏙

8.3K 228 48
                                    

Pinandilatan niya lang ako ng mga mata niyang mapang-akit dahilan para ibalik ko ang aking tingin sa magara niyang sasakyan.

"Oh, hijo, 'buti naman at dumating ka. Sampung libo lang naman ang utang nila sa akin. Ilang buwan na silang hindi nakakapagbayad. Ang kakapal ng mukha," sabad ni aleng Lourdes.

"Ay uber na 'yon aling Lourdes," komento ko habang pinagmamasdan si Sir Aki na papalapit sa amin. Napatitig sa akin si mama na marahil ay nagtataka sa mga nangyayari. "Sir Aki, h'wag na po."

"Anong h'wag na? H'wag na kayong kumontra," sagot ni aleng Lourdes na akmang sasalubungin si Sir Aki.

"Tumatanggap ba kayo ng bank cheque?" tanong ni Sir Aki. Bakit feeling ko slow-mo ang lahat habang naglalakad siya papalapit sa amin?

Agad naman itong sinagot ni aleng Lourdes ng oo. Napatingin ulit ako kay Sir Aki. "Sir, hindi n'yo na kailangang gawin 'yan. Wala kaming ibabayad sa'yo."

"Why are you saying that, Ms. Santos? Are you forgetting that you work for FATE?" Bakit ang bait ng aura niya ngayon? Nakalimutan na ba niya agad ang ginawa niya sa akin kahapon? At may lakas pa siya ng loob na ngumiti sa akin. Stop that, please.

"No, sir. I can't work for FATE anymore."

Napasimangot siya dahil sa naturan ko. At ramdam ko rin na habang nag-uusap kami ng boss ko ay pinapanood kami nina mama at aleng Lourdes.

"I have your contract now with me. Are you sure about that?" sabi ni Sir Aki.

"Anak? Sigurado ka ba? Sigurado ka na ba sa Zhyx?" ani mama.

Mapapansin mo sa mukha ng mayabang kong boss ang pagkadismaya. Naguguluhan na rin ako sa mga magiging desisyon ko. Unang-una, kailangan na naming makabayad kay aleng Lourdes dahil kung hindi mawawalan na kami ng bahay na uuwian. Pangalawa, hindi rin naman ako sigurado sa Zhyx kung matatanggap ba ako rito.

Pero handa ba talaga akong makatrabaho ang super moody at yabang na lalaking 'to?

Mabilis ang mga pangyayari nang umagang 'yon. Umalis si aleng Lourdes na may dalang malaking ngiti sa mukha.

Hindi ako sanay na may makitang ibang lalaki sa loob ng aming bahay. Kahit si Ken kasi ay 'di ko naisama sa bahay noon. Pero mas hindi ako sanay na makitang tahimik at parang maamong tutang naghihintay sa may sala si Sir Aki, na nakikipagkuwentuhan siya kay mama-si mama na feel na feel ang pagiging hospitable sa aming unexpected guest.

Gusto kong pigilan si mama na mag-kuwento sa boss ko. Baka ikuwento pa nito ang super embarrassing moments ko nang bata ako.

Ang pinakamabenta sa mga ito ay ang pagsasayaw ko ng Spaghetti Pababa noong 6th grade. Iba kasi ang bumaba. 'Yong mabigat kong kikay na palda na pilit pinasikip ng isang kalawanging aspile. Iyon na rin siguro ang dahilan kung bakit kinalimutan ko na ang pagsasayaw. Buti pa nga ang pagsasayaw, nakalimutan ko na. Pero bakit si Ken-ken, naaalala ko pa rin?

Kailangan ba talagang may mga bagong taong dumating sa buhay natin para lang makalimutan natin ang mga taong nanakit sa puso na'tin? Dahil tuloy sa taong ito mas nahihirapan akong hanapin ang soulmate ko. Sinira niya lahat ng mga pinaniniwalaan ko.

Dalawang taon na rin simula nang iwan ako ni Ken pero hindi ko pa rin masasabing naka-move on na ako sa kanya. At noong akala kong handa na akong makilala ang bago kong soulmate, itong Aki pa na 'to ang bubungad sa akin sa bookstore na sinasabi sa'king, "Mek, nandito ang soulmate mo." Bakit hindi niya nagawang sakyan ang destiny thoughts ko noong mga oras na 'yon?

Pero hindi ko mawari kung bakit parang ibang tao na ang nakikita ko sa kanya ngayon. Gano'n nga siguro kahalaga ang mga alaala ng isang tao sa katawan niya. 'Pag inalis mo ang mga ito sa kanya, ano na lang ang matitira? Paano ka magsisimulang bumuo ng mga bagong alaala? Ang dami-daming tao d'yang gustong makalimot, tulad ko, na hindi iniisip na may mga tao palang gusto namang maka-alala. Nand'yan ang mga taong may amnesia at Alzheimer's disease. Ang dami ko tuloy gustong itanong sa kanya. Pero hindi dapat. Hindi ko na dapat hayaang pangunahan na naman ako ng destiny thoughts ko.

One Day He Wrote My Name (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon