5. The Maze 🎡

10.2K 283 85
                                    

"Come in," tugon ni Sir Aki pagkatapos ng katok ni Ms. Kaye sa pintuan ng opisina niya. Kung gaano kabagal ang katok niya ay siya namang bilis ng pag-iwan niya sa'kin sa opisinang 'yon.

"Good morning, Sir Aki," bati ko sa mayabang na COO nang makapasok na ako sa loob ng opisina niya. Pero ngayon ay hindi na siya nakaupo sa swivel chair niya. Nakatayo siya malapit sa magulo niyang desk. May duffel bag na nakapatong dito. At may mga bagay siyang isinisilid sa loob nito.

"Okay, Ms. Santos. What are you waiting for? Help me stuff these things," sabi nito sa authoritative na tono. Nakasuot ito ng short-sleeve na polo na kulay teal.

"I'm sorry, sir?"

"Ayaw mo ba?"

"No, sir. I'm just confused. Do you mean na tanggap na ako for the job?" nagagalak kong tanong.

"Isn't it clear yet, is it? Today's your first day. So please do your job now, before I change my mind."

"Pero sir, wala pa po akong pinipirmahang contract or something," pag-aalangan ko.

"That can wait. I need you right now. So please, move. Do this packing thing," utos niya habang umuupo pabalik sa upuan niya.

"Okay, sir." Agad akong lumapit sa desk niya. "Ilalagay ko lang po ba lahat ng mga 'to sa loob ng duffel bag n'yo. Is that what you want?" patuloy ko. Wala naman kasi ito sa job description ng EA na nabasa ko.

"Sabi mo sa resumé mo, you can work with little supervision. I don't have to explain to you everything," masungit nitong sabi. Pero bakit parang ngumingiti ang mga mata niya?

"Oh, I'm s-sorry sir. O-okay, I'll just p-pack all these," natataranta kong sabi.

"Just do it," asik nito habang iniikot-ikot ang swivel chair na kinauupuan niya at habang pinagmamasdan ako sa trabahong hindi ko napaghandaan. Ang dami kong tanong sa utak ko. Saan niya gagamitin 'yong duffel bag na 'yon? At bakit ang dami nitong lamang mga gamit, ilang pares ng damit, at dalawang pares ng sapatos? Pambabae pa 'yung iba. Siyempre pa, hindi ko na siya matanong, baka sungitan na naman niya ako at baka bawiin pa niya sa akin ang trabaho. Kailangan ko ang trabahong 'to para di kami mapalayas ni aleng Lourdes sa bahay namin.

"Done, sir. Anything else?" nagagalak kong sabi rito nang matapos na ako sa pag-iimpake ng mga gamit niya.

"Okay, just follow me," sabi nito sabay dampot sa duffel bag niya nang hindi man lang tumitingin sa akin.

"Hmm, sir, kailan po pala ang orientation ko?" tanong ko rito habang naglalakad na kami palabas ng opisina niya.

"H'wag nang makulit Ms. Santos. That too can wait, okay? Just do what I tell you." Kinabahan ako sa sinabi niyang ito. Ano ba talaga ang trabaho ko rito?

Sumakay kami sa elevator na pababa ng lower ground floor kung saan naka-park ang SUV niya. Hindi siya nagsasalita tulad ko na takot na namang magkamali sa mga sasabihin ko. Ano kayang mga iniisip niya?

"Get in," utos nito nang nakaupo na ito sa driver's seat, at para paupuin ako sa tabi niya.

Medyo naiilang pa rin ako sa kanya. At may halo itong kaba kasi hindi ko alam ang gagawin namin ngayong araw. Ang hirap kasi niyang kausap o tanungin.

Mahinay siyang magmaneho at parang may malalim na iniisip. At sa loob ng halos sampung minuto ay namagitan sa amin ang katahamikan.

"So, what are your expectations for this job, Ms. Santos?" basag nito sa katahimikan. 'Pag siya p'wedeng magtanong, 'pag ako bawal. Bahagya siyang napangiti. Bipolar ba siya?

"Well, as your EA, I'm looking forward to assisting you in all your duties and endeavors concerning our company," kompiyansa kong sagot.

"Pa'no kung sabihin ko sa'yong ang duty mo today doesn't concern the company?"

One Day He Wrote My Name (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon