3. The Resumé 📃

11.5K 332 103
                                    

"Oh yes, thank God you remember," asik ko rito. Tiningnan ko siya na parang isa siya sa mga taong may malaking pagkakautang sa akin.

"Seriously? We met before?" nagtataka namang tugon nito.

"Ha? Akala ko ba naaalala mo na ako?" Siguro nga, ang tanga ko lang para isipin na maalala niya pa ako. Sino ba ako? Ga'no ba katagal ang naging interaksyon namin? Hindi na sana ako nag-expect.

"Sabi na nga ba. Dapat kasi inaapproach mo ako nang mas maayos," sagot nito sa seryosong boses para makuha na naman niya ang tiwala ko.

"So natatandaan mo ako?'

"Well, that's the problem now. May mga naaalala nga ako pero lahat... lahat ay 'di malinaw. Kaya naman 'pag may mga nakikita akong pamilyar na tao, I make it a point na I reach out to them. W-wait? So we're really acquainted to each other, huh. Magkuwento ka naman." Ngayon naman ay umaasta siyang para bang interesado na siyang kausapin ako.

"Alam mo, ang gulo mo po," naiinis ko nang sagot dito.

"Ano bang gusto mong marinig? Gusto mo bang ipagsigawan ko sa mundo na may amnesia talaga ako? Para ano, para maawa sila sa 'kin?" Kapansin-pansin ang sinsero niyang mukha at makakaramdam ka na lang ng awa para rito. Isa kasi 'yon sa mga kinatatakutan ko, ang mawala ang mga alaala ko. Paano mo itutuloy ang buhay mo kung mawawala lahat ng alaalang inipon at binuo mo? Hindi ko yata ma-imagine na magkaka-amnesia ako.

"Oh. Seryoso ka ba?"

Tumango siya.

Marahan akong lumapit sa kanya. "Sorry. Gusto mo ba talaga ng kausap?"

Habang nakatitig ako sa kanya ay nilulunod ako ng awa na nararamdaman ko para rito. At nang mas makalapit ako sa kanya ay saka naman ito humagikhik nang malakas. "Really, naniwala ka?"

"OMG ka, kuya. Bahala ka nga sa buhay mo." That's the time I finally walked out.

Pagdating ko naman sa bahay ay sabik na sabik akong sinalubong ni mama. At para bang galak na galak ito sa ikukuwento ko rito. Sanay kasi ito sa akin, na lahat ng nangyayari sa buhay ko, kinukuwento ko sa kanya. Kaya sorry 'ma, wala akong magandang kuwento ngayon. Pero hindi pa rin niya inaalis ang tingin sa akin na para bang naghihintay pa rin ng isang magandang balita. "Ma, medyo mabaho na 'tong sofa natin 'no?" hirit ko habang iniiwasanng tumingin sa mga mata niya.

"Anak, kumusta pala ang interview mo?" 'Yan na, nagsimula na si mama. Umupo na siya sa tabi ko.

"Kumain na ba kayo?" untag ko rito na kunwari ay abala sa mobile phone ko. Magte-text sana ako kay Ara pero wala na pala akong load.

"Ano, kailan daw ang start mo?" tanong ulit niya.

"Ma, and'yan na ba si papa?"

"Ano bang nangyari sa lakad mo?" Ang kulit talaga ni mama.

"Labhan ko na lang kaya 'tong cover ng sofa natin, ma."

"Mek-Mek! Ikaw ha, 'di mo naman ako sinasagot," nagtatampong sabi ni mama.

"Ah, ah. Ma...." 'Di na niya ako pinatapos dahil sa siguro ay napansin na niya ang namumuong luha sa sulok ng mga mata ko. Sa mga oras na ganito, alam na niya ang dapat gawin—ang yakapin ang nag-iisang anak niya nang mahigpit. Tuluyang pumatak ang mga butil ng luha. Hindi na niya ako tinanong pang muli. Nahihiya ako sa kanya. Tatlong buwan na kasi akong naghahanap ng trabaho at hanggang ngayon ay wala pa ring kompanyang tumatanggap sa akin.

Sa pananahi pa rin at sa sideline ni papa kami umaasa ngayon. Tapos minsan lang umuwi si papa sa bahay dahil sa trabaho niya. But well, dahil naman do'n kaya ako nakapagtapos ng pag-aaral. Kaya gustong-gusto ko na talagang magkatrabaho. Gusto ko nang patigilin si mama sa pananahi, at matupad na 'yung ultimate dream niyang magkaroon na kami ng sariling bahay. Pero sa nangyayari ngayon, mukhang malabo pa 'yong matupad.

One Day He Wrote My Name (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon