7. The Chatter 🎠

8.8K 270 81
                                    

Mas maginaw sa loob ng madilim na kuwadrante. At nito ko pa lamang napagtanto na hindi akma ang ipinasuot sa aking dry-fit shirt ni Sir Aki. Inisip ko tuloy na first time niya lang pumasok sa Lover's Maze & Chase.

"S-sino ka?" nanginginig kong tanong. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Hindi dahil sa excited na akong makilala ang soulmate ko, kundi dahil sa hindi ako nakatitiyak kung ligtas ba ako sa isang madilim na lugar tulad ng Heart Rendezvous. May pagkamaaari na isa na palang rapist o killer ang kaharap ko ngayon. Natatakot na ako. Hindi ganito ang pakiramdam ko 'pag kasama ako noon ni Ken.

"Teka lang parang kilala kita," ani ng lalaking tila ba'y nabobosesan ko. Bahagyang lumiwanag sa loob ng kuwadrante na dahil siguro sa dim light na nakakapit sa dingding nito habang umaapaw ang amoy ng mga tuyong rosas. Na dahil din sa kakaunting liwanag na iyon ay naaninag ko na ang mukha niya.

"Ikaw?" bulalas ko. Pero ito rin ang tumapos sa takot at kabang nararamdaman ko kanina.

"Mek-Mek? Oo, ikaw nga. Hanep, hanggang dito ba naman sinusundan mo ako?" tudyo nito. Nakasuot siya ng puting suweter at itim na maong. Para rin siyang si Sir Aki kung makipag-usap sa akin, hari ng kayabangan. Ang pagkakaiba lang nila ay mas masayahin itong si Mark.

"Mark? Hindi na ako nagulat. Walang kupas. Mahangin ka pa rin, kaya pala kanina pa akong nilalamig dito" sagot ko rito. At pagkatapos no'n ay sabay na kaming natawa sa aming mga sarili, dahil siguro sa dinami-rami ng lugar na maaari naming pagkakitaan ay sa Lover's Maze & Chase pa. Kataka-takang ang gaan ng loob ko sa kanya. Para bang matagal na kaming magkaibigan kahit ito pa lang ang pangalawang beses na nagkita kami.

"So, bakit nandito ka? 'Di ba may trabaho ka na ngayon?" dagdag ko.

"Hindi na ako natuloy sa Zhyx Media," saad nito. Pero bakit ang aliwalas pa rin ng mukha niya kahit na 'di siya natuloy sa Zhyx?

"Ha? Bakit?" naiirita kong tanong.

"Na-realize ko lang na hindi ko mae-enjoy ang trabaho," sagot nito. Ang tagal kong ginustong magtrabaho sa kompanyang 'yon pero 'di ako natanggap, tapos siya na may job offer na, hindi pa niya tinuloy. 'Di sana sa'kin na lang 'yung slot niya.

"No, that's not acceptable. Ang daming tao na gusto 'yung trabahong 'yon pero 'di sila natanggap dahil wala ng slot, tapos ikaw tatanggihan mo lang," sermon ko rito.

"That's precisely my point. Dahil hindi ko nga gusto ang trabaho, na nito ko na lang napagtanto, naisip ko na may taong mas deserve ang trabahong 'yon," paliwanag nito.

Napabuntong hininga na lang ako. Gustong-gusto ko kaya ang trabahong 'yon. Pero sabagay, kung natanggap naman siguro ako sa Zhyx ay hindi na ako matutuloy sa FATE na hindi na rin masama. 'Yon nga lang hindi ako magsusulat sa FATE.

"Teka, ikaw wala ka pa bang trabaho?" dagdag nito. "Hiring kaya ulit ang Zhyx ngayon."

"Ha? Talaga. Sigurado ka?" Oo, interesado pa rin ako. Passion ko kasi talaga ang pagsusulat.

"Yep. Bukod sa slot ko, need pa nila ng isang writer. So ibig sabihin dalawa ang hinahanap nila at the moment."

"Really?" paglilinaw ko na nagagalak ang tono.

"Pero teka wala ka pa bang work?"

"Mayro'n na, actually it's my first day today."

"Ha? Saan? Bakit nandito ka?"

"Ito nga ang first day ko. Nagpasama lang sa akin ang mayabang at weirdo kong boss," udyok ng aking dila habang inaayos ko ang ilang hibla ng buhok na dumadampi sa aking mukha. Muli pa akong kinabahan noong mapansin kong tila ba'y pinagmamasdan ni Mark ang bawat kilos ko. Mabuti na lang at madilim ang lugar at hindi na niya mapapansin ang pores ko sa mukha, at ang mga labi kong burado na ang kolorete.

One Day He Wrote My Name (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon