29. The Rendezvous🌂 (Preview)

54 0 0
                                    
Alam kong darating ang araw na ito. Na mababasa ako ng ulan sa gitna ng isang abalang kalsada, sa pagitan ng mga nagtataasang gusali. Pero hindi ngayon. Hindi habang humahapdi ang mga mata ko. Ayokong itago ng ulan o ng anino ng kahit anong gusali ang mga luhang pumapatak mula sa mga mata ko. Nararapat lang na maramdaman ko ang init ng pagpatak nito. Ang pagtinginan ng mga tao sa paligid. Ang kasuklaman nilang lahat, hindi ang kaawaan.

Pero hanggang dito ay pinatunayan pa rin ni Mark na mali ako. Na maling maliitin ko ang sarili dahil sa isang pagkakamali. Hindi ko man narinig ang ugong ng paparating niyang motorsiklo, narinig naman ng puso ko kung paano niya binago ang tunog ng ulan. Mas lumakas ang tunog nito na may dalang bigat sa bawat pagpatak. Ngunit sa sandaling iyon, ang mga patak ay hindi na muling dumampi sa katawan ko. Si Mark pa rin talaga ang dadaan, sakay sa bago niyang big bike kahit na nakasuot pa ito ng tux, may dalang payong, at mas pinili niyang mabasa ng ulan.

To read the complete chapter, you may purchase a copy of the published book thru IMMAC Publishing. More details will be posted SOON.

 More details will be posted SOON

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

One Day He Wrote My Name (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon