26. The Bench (Part 2) 🎲

5.2K 153 63
                                    

Natulala ako dahil sa naturan niya. Mica rin daw ang pangalan niya. Paano kung siya si Alma Young? Paano kung pinaglalaruan na pala ako ng letseng tadhana na 'yan. Walang lumabas na anumang salita mula sa bibig ko pero sapat na siguro ang nanlalaki kong mga mata at ang nanlalamig kong mga kamay para malaman niyang 'di ako okay.

"W-wait. May problema ba?" tanong pa niya.

Kinakabahan ako sa mga susunod niyang sasabihin. At nang mapatitig ako sa maamo niyang mukha ay para bang nakakaramdam ako ng matinding guilt sa loob ko. At sa kagustuhan nitong sumabog ay 'di ko na napigilan ang bibig ko. "Sorry. Sorry talaga. 'Di ko alam."

"Ha? Para san?" agad niyang tugon. Bakas sa mukha niya ang labis na pagtataka. Gayundin ang pag-aalala sa tono ng boses niya. "Sigurado ka? Okay ka lang? Namumutla ka. Nahihilo ka ba? Gusto mo samahan kita sa ospital?"

"Okay lang ako," tanggi ko. Ramdam ko pa rin ang panghihina ng mga binti ko kahit pa nakaupo na kami sa bench na 'yon.

"Sure ka? Ano bang nangyari sa 'yo? Bakit ka nagso-sorry? And why do I get the feeling that you don't want to tell me your name?" sunod sunod niyang tanong.

"Mek Mek, 'yan ang tawag nila sa 'kin."

At bago pa siya mag-reply ay napangiti muna siya nang labis. "Interesting, Mek Mek. Parang ang dami-daming kuwento sa likod ng pangalan na 'yan," sambit niya.

"Oo, mahabang kuwento. Teka, anong work mo?" Ayokong marinig na sabihin niyang isa siyang author, na madami na siyang nasulat na libro. Ayoko.

"Ah. Well, I work at The Antique Galaxy (TAG). Minsan, bumisita ka ro'n. Our lolos and lolas there would definitely love that," sagot niya.

Napabuntong-hininga ako. "You mean, 'yung mga lolo't lolang may Alzheimer's? Ang sweet mo."

"I love working there. Spending my time with them. Even if you know that you can't give them what they're missing in their lives, it's still kind of fulfilling to see them smile when I'm around. Although they might be a little bit moody sometimes. That's acceptable. I can only imagine what they're going through. Para bang may picture album ka ng mga retratong limot mo na, pero hindi mo ito mabuksan-buksan. Nakalagay ito sa isang kuwarto na puno ng kandado.Walang nakakaalam kung sinong may hawak ng susi. How bad is that?"

"Totoo 'yan. Hay, ang hirap naman ng sitwasyon nila." Naalala ko bigla ang sitwasyon ni Aki. Kung gaano kahirap ang pinagdadaanan niya.

"Sinabi mo pa. Lalo na 'yung mag-asawa ro'n na 'di na nila kilala ang isa't isa. You should meet them one of these days."

"Ang saklap naman no'n. 'Yung 'di ka na maalala ng taong pinakamamahal mo." I was still thinking about Aki.

"Masaklap talaga. Sobrang sakit. 'Yung kahit magtagpo ang mata niyo, hindi ka niya maalala. 'Yung kahit i-kuwento mo sa kanya ang love story n'yo, walang epekto sa kanya." Pansin ko sa mga mata niya ang labis na lungkot ng binitawan niya ang mga salitang ito. Para bang may malalim siyang pinaghuhugutan. Pero hindi ko na 'yon inusisa pa.

Pasado alas diyes na nang matapos kaming magkuwentuhan. Mostly ay tungkol sa trabaho niya sa TAG. Umalis kami sa park na 'di ko man lang nakumpirma ang haka-haka sa loob ko, dahil siguro sa naaliw ako sa mga kuwento niya tungkol sa mga kaibigan niya sa loob ng TAG. Sa mga lolo't lolang nakakasama niya roon. Teka, baka hinahanap na ako ni mama. Wala pa naman akong phone.

Sumakay na ako ng taxi pauwi. Pikit mata kong binayaran ng 250.00 ang manong driver na naghatid sa akin sa tapat ng apartment namin. At saka na lang ulit bumalik lahat ng sakit dito sa loob ko nang makababa ako ng taxi. Ayoko na talagang magmahal. Ayoko nang masaktan. Lalo na 'pag may ibang taong nasasaktan. Siguro, tama nga si Alma Young sa sinabi niya sa libro ng soulmate theories niya. Hindi raw porket soulmate na natin sila, sila na makakatuluyan na 'tin. Dahil lalabag daw ito sa law of nature. Sabi niya hindi p'wedeng balanse ang lahat, laging may masasaktan.

Pagpasok ko sa bahay, bumungad sa akin ang nag-iisang taong nagpapagulo sa sistema ko. "Bakit nandito ka?" mataray kong sita rito. Napansin ko ang pagpasok ni mama sa kuwarto niya, siguro para bigyan niya kami ng privacy.

"Sorry na, bave. I didn't mean what I said. Nadala lang ako ng emosyon. I thought you and that Ken were back together."

"So inisip mo talagang maggagawa kitang lokohin. Na ang landi landi kong babae."

"No. Hindi gano'n." Lumapit siya sa akin at hinawakan niya ang mga kamay ko.

"Tama na. Ayoko na," bulalas ko, sabay tapon sa mga kamay niya.

"Ha? What do you mean?"

"Ayoko na. Hindi ko na kayang magpanggap." Ayokong tumingin sa mga mata niya.

"Anong sinasabi mo, bave?"

Hindi maalis sa utak ko ang katotohanang dahil sa akin kaya naudlot ang pagmamahalan nila ni Mystery Mica, ni Mica Almadovar, ni Alma Young. At hindi ako kailanman magiging masaya sa gano'ng sitwasyon. Siguro ito na ang tamang panahon para itama ko ang lahat. Kaya kinailangan kong magsinungaling sa kanya. Kailangan kong saktan ang sarili ko sa pagkakataong ito. "Ayoko na," sigaw ko.

"Ang gulo-gulo mo. Anong pagpapanggap?"

"Magpanggap na mahal kita. Para magkatrabaho ako sa FATE. Para 'di ako matanggal sa trabaho anumang mangyari. Para ma-promote ako at matupad ang mga pangarap ko sa tulong mo. Para gamitin ka. Ngayon, kilala mo na ako," bulalas ko. Lalo akong 'di makatingin nang diretso sa kanya. Dahil alam ko na 'pag tumingin ako sa mga mata niya, baka hindi ko magawang magsinungaling rito. Dahil ayokong mawala siya sa akin. Dahil mahal na mahal ko siya.

"Hindi totoo ang sinasabi mo."

"Bakit ang hirap mong umintindi? Hindi na kita gustong makasama. Fire me, now. Ayoko nang bumalik sa FATE. Now that you know my true color. Please. Umalis ka na."

"Sabihin mong nagsisinungaling ka lang," pilit nito. Niyakap niya ako nang mahigpit hanggang sa maitulak ko siya. Na para bang diring-diri ako rito. "Ito ba talaga ang gusto mo? Sige. Kung 'dito ka magiging masaya? Okay sa 'kin. Aalis na ako."

At habang pinagmamasdan ko siyang umalis ay para bang kinakain ng hangin ang buong katawan ko. Parang namamanhid ito. Siguro, dahil wala na akong puso. Hindi ko na matatawag na puso ang puso ko dahil durog na durog na ito. Wala namang tatanggap ng durog na puso, 'di ba? Ang sakit sakit na. Napayakap ako nang napakahigpit kay mama. Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko.

"Anak, anong nangyari? Bakit mo pinaalis si Aki? Ano bang problema n'yo? Alam mo bang ilang oras ka niyang hinintay rito? Alam mo bang..."

"Ma, kailangan. Ayoko lang mas masaktan pa ako kung sa kanya manggagaling," pagputol ko kay mama.

"Ha? Bakit?"

"Ma, bago siya nagka-amnesia, may mahal siyang iba. May ibang Mica sa buhay niya. At nagkahiwalay sila dahil sa akin. Dahil sa akin. Ma, ang laki-laki ng kasalanan ko sa kanila. Ang sama-sama ko," umyak ko.

"Anak h'wag mong sabihin 'yan. Magpahinga ka muna. Pahingahin mo 'yang utak mo at 'pag handa ka na, saka mo ikuwento ang lahat sa akin. Okay ba 'yon? Gusto mo bang ipagluto ulit kita ng sopas?"

Pero kahit sa sopas ay naalala ko si Aki.

One Day He Wrote My Name (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon