15. The Laptop 💻

7.3K 221 56
                                    

HINDI ko mapigilang mapangiti habang pilit kong ipinipikit ang mga mata ko. Bukod sa kinikilig dahil nakausap ang paboritong author, ang bango-bango pa rin ni Sir Aki kahit isang buong araw na kaming bumiyahe nang bumiyahe. Ramdam ng kanang braso ko ang matigas niyang chest. Ang mabango niyang hininga, tinalo pa ang air-freshener sa loob ng van. Para akong lalagnatin dahil sa nararamdaman ko. Siguro nga'y masyado akong napagod kanina. Pero para bang ayoko nang matapos ang gabing ito na tila ba'y isang panaginip lamang.

Bahagya siyang gumalaw para maisip kong nagising na rin siya. Pero in character pa rin ang lola n'yo. Kunwari ay mahimbing pa rin akong natutulog.

Naramdaman ko ang paglayo ng ulo niya mula sa akin at kung gaano kainit ang kamay niya nang bahagya niyang hinawakan ang ulo ko para iayos ang pagkakasandal sa balikat niya. Inisip ko tuloy na okay lang dito na nakasandal ako sa kanya.

Ngunit laking gulat ko na lang nang bigla siyang bumulong at sinabing, "Sorry Mica." Hindi ko alam kung bakit niya sinabi 'yon. Pero binulabog nito ang universe sa loob ng katawan ko. Nagwawala na naman ang mga bituin sa loob ko at lahat ay parang gusto nang sumabog, at wasakin ang mga sarili nila. Mas mabilis ang pagkilos nila ngayon. Ang ilan pa ay animo'y umiindak sa saliw ng tambol na mas malakas pa sa busina ng ibang sasakyang nakakasalubong namin.

Pero best actress ang lola n'yo. Dinaig ko pa si Aurora, ang sleeping beauty. Paano ba ako gigisingin ng prince charming ko? 'Yan nga ang tanong ng puso kong umaasa.

Pilit ko pa ring ipinikit ang mga mata ko habang nakikiramdam sa aking paligid. Pero nang lumaon ay 'di ko na rin napigilang imulat ang mga ito para magulat sa mukha ni Sir Aki na nakatutok sa akin. Ang nakakaloko niyang ngiti. Napalunok ako at natulala. Ang g'wapo n'ya pala lalo na sa malapitan. Hindi nga malayong napakarami nang babae ang naghabol sa kanya at siguro gano'ng karami na rin ang napaiyak niya.

"Dream on, Ms. Santos," bungad nito na dahil sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa ay para bang mahahalikan na niya ako. Gising, Mek-Mek, sigaw ng konsiyensya ko. Kanina pa ba siyang nakatitig sa mukha ko? Buti na lang at 'di masyadong maliwanag ang ilaw sa may back seat kundi maiilang ang baby pimples ko sa noo.

"Excuse you," protesta ko na kunwari ay diring-diri sa pagkakalapit ng mukha nito sa'kin. "Kanina n'yo pa ba akong pinagnanasahan, sir? My god, bakit 'di n'yo ako ginising?" dagdag ko na may kasama pang pagpupumiglas.

He cleared his throat. "Ako siguro ang dapat magsabi niyan sa'yo. I know, kanina ka pang gising. The smile in your face can prove it."

"Don't you see, kagigising ko lang? At sino namang makakatagal sa matigas mong balikat?"

"Aha matigas pala ha," sambit nito nang naging sensual ang tingin nito. Mukha siyang adik. G'wapong adik.

"Yuck sir, ang bastos n'yo."

"'Oy, ikaw lang ang nag-iisip n'yan."

"Whatever."

"Sige na, h'wag ka nang mahiya. Matulog ka pa. You can still lean on my hard shoulder," asar nito na may diin sa salitang hard.

"You're unbelievable," pagmamaarte ko. Napansin ko bigla ang pagngiti ni kuya Marvin. "Hoy, kuya Marvin, anong tinatawa-tawa mo d'yan?" sita ko rito.

"E kasi po ma'am tama nga po si sir na kanina pa kayong nagising," natatawa pa nitong sabi.

"Confirmed," sambit ng boss ko na mas yumabang ang tono.

"Hoy kuya Marvin, h'wag kang gumawa ng kuwento d'yan," natatawa kong tanggi habang kinakain na ako ng hiya ko.

"Excuses," komento pa ni Sir Aki.

"Pero bagay kayo sir," bulalas ni kuya Marvin.

"No way. Gusto mo bang mawalan ng trabaho, Marvin," banta ng boss ko na halata ngang pinipigil lang matawa. Ang sakit.

One Day He Wrote My Name (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon