Ito ang unang beses na tinawag niya akong Mica. At bakas sa reaksyon ng mukha niya na kahit siya ay nagulat din sa kanyang naturan. Ang gatla sa noo niya, ang matalim niyang tingin na kalauna'y naging balisa, ang nakasimangot niyang labi na namumula-mula... hindi iyon sapat para alisin ko ang tingin sa kanya. "Ibig s-sabihin ba no'n sir, m-may amnesia talaga kayo?" nauutal kong tanong rito.
"Let's go now. The maze booth is waiting for us," masungit nitong tugon.
Nagtataka pa rin ako kung bakit kami pupunta sa booth na 'yon, sa booth kung saan ang tanging naaalala ko ay si Ken. Tandang-tanda ko pa ang pangako nito sa akin noong minsang mag-date kami sa park na ito. At katulad ng pag-ihip ng malamig na hangin ay patuloy din ang pagdaloy ng mga alaala ko.
"I will love you forever," bulong nito sa akin pagkatapos naming makuha ang 8R na retratong galing sa booth na saksi sa kakiligan ko. Hinawakan niya nang mahigpit ang kanang kamay ko.
Iyon na yata ang pinakamasayang oras ng buhay ko. "I love you, too. Always and forever," tugon ko.
Masaya kaming naglakad nang magkahawak-kamay habang nililibot ang buong park dahilan din para makasalubong kami ng ibang couple na may dalang malalaking stuffed toys.
"Gusto mo ba ng gano'n, babe?" biglang tanong sa akin ni Ken nang mahuli niya akong humabol ang tingin sa isang babaeng may dalang malaking teddy bear.
"Naku babe masaya na ako rito sa picture natin," pakipot ko.
"Basta babe, next time pagbalik natin dito, ikukuha rin kita ng gano'n. Mas malaki pa d'yan sa hawak nila," pangako nito habang pinipisil ang kanang kamay ko.
"Promise mo 'yan ha?" kinikilig ko pang sabi.
Little did I know na iyon na pala ang huling date namin sa park na 'yon. Naputol naman agad ang aking pagbabalik-tanaw nang maramdaman ang mahinang tapik mula sa boss ko. "Ms. Santos? Zone-out ka na naman," nagtatakang sabi nito sa akin.
"Ay sir, sorry ulit. Naalala ko lang talaga ang walang kwenta kong ex. Dito kasi kami madalas mag-date noon," napabigla kong tugon.
At hindi ko alam kung bakit siya napahalakhak nang malakas.
"Ang bad mo sir. Bakit ka natatawa? Seryoso ako ro'n."
"Hindi lang ako makapaniwalang may lalaki kang naloko," pilyong sabi nito. Pero sa totoo lang hindi ako na-offend sa sinabi niyang 'yon. Bilang first day ko pa lang sa trabaho, para bang close na agad kami ng boss ko at naaasar na niya ako nang ganito.
"Ako ang niloko, sir. Bad ka."
"Hindi. I'm not as bad as you think. Actually, may naisip akong magandang ideya. Bakit hindi na lang natin palitan 'yung mga 'di kagandahang alaala mong 'yan with your ex-boyfriend dito sa park na 'to... ng mga bagong alaala? Sounds cool, 'di ba?"
"Deal. Maganda 'yon. Gusto ko, sir. Pero m-may sweldo pa rin naman ako today sir, 'di ba?"
"Of course, it's your first day. And well, kung magpapalit ka ng mga bagong alaaala, I'm thinking about creating new memories, too. Baka sakaling maalala ko 'yong ibang mga alaalang kinalimutan na ng utak ko."
"Ang lalim no'n sir. Pero, ito lang ang masasabi ko, ang unfair ng buhay. Kahit mayaman ka, may mga bagay talagang hindi mabibili ng pera. Ako may gustong makalimutan, tapos ikaw naman sir may gustong maalala," saad ko. Hindi man aminin sa akin ni Sir Aki na may amnesia siya, alam ko na ngayon ang totoo.
"Yeah, that's how it goes," seryoso nitong tugon. Mas guwapo pala siya 'pag seryoso ang mukha niya, at 'pag hindi niya ako tinatarayan.
****
BINABASA MO ANG
One Day He Wrote My Name (PUBLISHED)
ChickLitMek is a hopeless romantic and she is determined to write her own destiny. 'Tapos makikita niya ang pangalan na nakasulat sa isang piraso ng papel na testing-an ng ballpen sa paboritong bookstore. Sa bookstore kung saan niya nakita ang kyut na lalak...