Kung gaano kaganda ang pagsisimula ng love story namin ni Ken ay siya namang ikinapangit ng paghihiwalay namin.
Hindi siya tumupad sa usapan. Sabi ko dapat ako ang first kiss niya at siya rin dapat ang sa 'kin. Pero siguro nga hindi ko talaga gano'n kakilala ang mga lalaki para maniwala akong kaya n'yang maghintay 'pag handa na ako. Ang gusto ko kasi noon, sa kanya lang lahat ng firsts ko.
Kitang-kita ko kung paano sila magtukaan ng babaeng 'yon. 'Yung babaeng kakilala lang naman niya sa Lovers' Maze. Ang babaeng sumira sa pangako ko sa sarili kong isa lang ang lalaking mamahalin ko, na siyang una kong maging kasintahan ay siya na rin ang taong papakasalan ko. Parang sina mama at papa.
At doon pa sa resto bar kung saan kami unang nag-date, do'n pa sila gumawa ng maalingasngas nilang eksena. Tandang-tanda ko pa, hinding-hindi siya makatingin nang diretso sa akin, nang makita niyang nakatitig ako sa kanilang dalawa. I don't care kung pareho silang lasing noon. I don't care kung pinili niyang mag-inom kasama ang barkada niya kaysa suportahan ako sa first poetry reading performance ko na dedicated sa kanya. And I don't care kung hindi niya ako hinabol nang mag-walk out ako sa lugar na 'yon. Pero noon, may pakialam ako, at masakit. Sobrang sakit.
At ngayon, muling nagtagpo ang mga mata namin pagkatapos ng dalawang mabilis na taon. "It's been a while. San ka na?" bati pa nito sa akin. Sa reaksyon ng mukha niya, para siyang nakakita ng multo. But he looked wasted. Parang hindi na siya ang makisig na lalaking nagpaindak sa puso ko noon.
"Yeah. It's been a while," tugon ko rito. Hindi ito ang script na inihanda ko noon. Sa isip-isip ko, dapat galit pa rin ako sa kanya. Pero wala akong naramdaman.
"Y-you look good," sabi pa n'ya para mapalunok ako. "But yeah, I have to go now. Mary's waiting for me. Nice meeting you again," dugtong nito nang mapatingin siya sa makisig na lalaki sa tabi ko. "Sige, 'tol," bati pa nito rito. Pero ni hindi man lang ngumiti ang suplado kong boss.
"Sige," tipid kong tugon na may kasamang tipid na ngiti.
Isa ito sa mga pinakasaliwang sandali sa buhay ko. Kahit ang g'wapong lalaki sa tabi ko ay natulala. "So he's Ken?" pagkukumpirma pa niya nang tuluyan nang makalayo sa amin ang dati kong kasintahan.
"Yes he is," tugon ko rito. Lumingon ulit ako sa may likuran namin para tingnan kung lilingon din ba siya sa akin. Pero hindi. Napakabilis niyang maglakad.
"I can't believe you'd cried for that loser," sambit ng boss ko na may yabang sa tono.
"Oo nga. Ang tanga ko pala." And that's when I realized na wala nang epekto ang Ken Ken factor sa akin. That I am totally over that guy. Kailangan ko lang pala siyang makita ulit para malaman kong wala na akong nararamdaman para sa kanya. Closure ba ang tawag nila do'n?
"Bye first love," asar pa nito habang hinahawakan ang kanang kamay ko. "And say hi to your one true love," dugtong niya.
"Ang cheesy mo boss," asar ko rito.
"Gusto mo naman."
"S'yempre."
***
Ako na yata ang pinaka-suwerteng babae sa buong universe. Ang saya lang na hindi ko in-expect na maaari nga pala akong magustuhan ng isang Aki Rushton. Kahit na noon pa man ay pinagpapantasyahan ko lang siya, hindi sumagi sa isip ko na maaari iyong magkatotoo. Ngayon ay ipinagluluto pa niya ako ng kaniyang specialty. Ang sweet. Minsan naiisip ko talagang panaginip lang ang lahat.
"Nahiya naman ako sa cooking skills mo. Ang sarap nito boss," papuri ko rito habang tinitikman ang putaheng niluto niya. Nandito na kami sa condo niya. Sabi niya mag-dinner daw muna kami bago namin ulit pag usapan ang project naming Memory Booth.
"My mom taught me how," sabi nito na may lungkot sa mga mata.
"Cool. My mom taught Ara to cook as well, you know my BFF," sambit ko.
"Coolest. And you never even tried?" he asked.
"I tried. Pero hindi ko talaga kaya. I mean... kahit pagpiprito nga ng itlog 'di ko maluto nang ayos. 'Pag sinusubukan kong magprito ng sunny side up nagiging scrambled siya, 'pag naman scrambled egg ang gusto ko omelet naman ang kinakalabasan niya."
At saka siya natawa. Napapatawa ko lang ba siya palagi kaya niya ako nagustuhan? Pero mas gusto ko ang mga mata niya 'pag tumatawa siya. Ang dami kasing drama sa buhay ng lalaking 'to. Magkukuwento lang naman siya 'pag gusto niya. Magde-demand pa ba ako? Nandito na siya sa harap ko para ipaalaala sa 'king dreams do come true.
"'Nga pala alam na ba ng parents mo ang tungkol sa condo?"
Sinabi ko sa kanyang 'di ko pa nasasabi kina mama. Dahil gusto kong ayusin muna ang unit at saka sila i-sorpresa. Iimbitahan ko nga rin pala si aleng Lourdes para ipamukha sa kanyang mas maganda ang condo ko sa apartment na pinaparentahan niya sa amin.
"Awesome. Mabuti naman at di pa rin nila nababasa ang paper."
"Hindi naman sila nagbabasa ng broadsheet e. English kaya 'yon. At sinabi ko na rin kay Ara na h'wag niyang ipagsasabi. Hindi naman lahat ng kakilala ko nabasa ang paper na 'yon."
"But it's really something, right? Na mapasama ka sa isang feature sa isang paper. Do you know na big break din siya for you. People will know that you write really well for you to win lolo's heart."
"That being said, gusto ko siyang makilala. Gusto kong magpasalamat sa kanya personally."
"Soon," tipid nitong sagot. Pero hindi ko talaga alam kung handa na rin ba akong mas makilala ang pamilya niya. Matatanggap kaya nila ako?
***
Sabi nga sa isa sa mga soulmate theories ni Alma Young, we fall in love more than once in a lifetime. May dalawa raw taong nakalaan para sa 'tin. At ayon nga sa teoryang ito, ang dalawang taong iyon ay galing lang din sa iisang soul. That is because souls need to divide as the human population explodes. Kaya posible ring higit pa sa isa ang nakalaan sa atin. But that doesn't mean that we have to meet all of them.
This might be the reason why we sometimes feel broken or incomplete. Like we're missing a piece of ourselves. Lagi't lagi pa rin kasi nating hahanap-hanapin ang ating other half. Sa libro ni Alma Young, tinawag niya itong soul sibs. Kaya siguro may mga taong kahit hindi naman natin kadugo ay matindi pa sa pagiging kapatid ang turing sa atin. That is because souls always recognize their missing parts. Siguro ang iba sa kanila ay nagtatago sa katauhan ng mga BFF natin.
Parang may ideya na ako kung sino ang soul sib ko. Ang tanong, sino ba talaga ang soulmate ko? Kung may dalawang taong nakalaan para sa 'kin, nakilala ko na ba sila?
"Mukhang malalim na naman ang iniisip mo, bave?" puna nito. Pareho kaming nakaupo sa sahig ng unit ko habang nagpaplano ng aming proyekto.
"Wala 'to."
"Tell me, please, you look bothered. Nag-aalala na naman ako."
"Sigurado ka ba sa mga ginagawa mo, Mr. Mark Arkin Rushton? 'Yung mga ipinapakita mo sa akin."
"Ano na namang drama 'to, Ms. Mica Mae Santos? Nagdududa ka pa rin ba sa feelings ko sa 'yo."
"Para kasing ang bilis ng lahat. Sabi nila 'pag mabilis daw magsimula ang isang bagay, mabilis din itong matapos."
"Shsssssssh. Don't say that. Hindi ang mga pinaniniwalaan mong destiny thoughts and theories ang siyang may hawak ng kapalaran natin. Ano ba 'yan, nahahawa na naman ako sa pagiging mushy mo."
Natawa ako sa sinabi niya. "One more question. Bakit pala naging Aki ang tawag ng lahat sa 'yo? Galing ba 'yon sa Arkin? Hindi ko ma-imagine ang ebolusyon e. Did you just drop 'r' to sound more British?"
"Nope. Galing siya sa Mark. From Maki to Aki. Matinding ebolusyon ng pangalan, hindi ba? Sisihin natin si Third. Siya ang nagpasimula n'yan."
"Nakakatuwa kayo. Sige na, i-finalize na natin ang plano sa booth na 'to," sabi ko nang bigla akong makaramdam ng antok, mapahikab at iunat ang mga kamay ko. Bahagyang napataas ang suot kong cropped top ko to show some skin.
"Inaakit mo ba ako, bave?"
BINABASA MO ANG
One Day He Wrote My Name (PUBLISHED)
ChickLitMek is a hopeless romantic and she is determined to write her own destiny. 'Tapos makikita niya ang pangalan na nakasulat sa isang piraso ng papel na testing-an ng ballpen sa paboritong bookstore. Sa bookstore kung saan niya nakita ang kyut na lalak...