Acknowledgment ☺️

8.4K 148 48
                                    

Masaya at makulay ang 2015 ko dahil nasulat ko ang kuwentong ito, at dahil s'yempre nakasama ko kayo sa maarteng paglalakbay na ito.

Ikaw. Tama, ikaw na nagbabasa nito ngayon, salamat sa pagpansin sa istoryang ito. #Friends #Beshies #Baves #Bavies #Bevs #TeamAmnesia #TeamMark #TeamKen

Salamat at sinubukan mong kilalanin sina MekMek, Mark at Aki. At dahil do'n, mas nakilala mo na rin ako. 🙈

S'yempre pa, nais ko ring magpasalamat kina Renzy 'Bonie' Garcia, Kaye Torino, Ara Garcia, Micah Garcia, Diane Garcia at Andrea Moral bilang sila ang mga una kong mambabasa ng kuwentong ito. Gayundin kina Agnes Lunar, Rose Ann Villanueva, Janice Palo, Diane Tumambing at Paul Atienza na simula pa sa una kong nobela ay nand'yan na para samahan ako sa paglalakbay na ito. Isama pa ang suporta ni Jessa Mae Oflato at sa tulong niya na makita ko ang mga hindi nakikita. Salamat din kina Jonathan Pasajol, Kristel Evallar, Grace Lasana, Mabel Macalintal at Dixzelyn Perez sa pagbabasa at sa 'di matatawarang suporta sa istoryang ito. Gayundin kina Hazel De Rama, Angelu Echano at sa iba pang mga batang reader dito sa Wattpad community na tulad ni Mek ay patuloy na nangangarap, never say never! Sana'y kahit papa'no ay nakapagbigay ng munting inspirasyon itong kuwentong ito sa inyo. Muli, salamat mga kaibigan. Kung gaano kalalim ang mga hugot ni MekMek at kung gaano kataas ang pangarap niya, gano'ng level din ang pasasalamat ko sa inyo. Hindi masusukat. Love you! 😘😘😘

At sa huli, kay B. Salamat 😍. Na kung hindi dahil sa kanya ay hindi ako matututong umibig muli. Umibig muling magsulat.

Hanggang sa susunod nating paglalakbay.

Xoxo,
Lex

🙈🙈🙈

For more updates, you may join this group: https://www.facebook.com/groups/LexInTheCityHunters/
Or follow me on Twitter: @LexInTheCityWP
And in IG: @LexOnTreks

One Day He Wrote My Name (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon