24. The Book 📖

6.4K 166 63
                                    

"Yes, Vicky, dapat maniwala ka talaga. Look at how bave and I met," bulalas ni Aki na sa hagilap ko ay kararating lang. "'Di ba, bave?" dagdag pa niya. At saka niya ibinaling ang tingin sa akin habang ako nama'y namamangha pa rin sa bagong ayos ng unit ko. Iba na kasi agad ang itsura nito. Tila ba'y mas lumawak ang lugar dahil sa pagkakatipon ng mga kasangkapan sa kanya-kanyang sulok. Gusto ko ang pagkaka-puwesto ni Vicky sa mini couch sa kaliwang bahagi ng kuwarto para nakaharap ito sa balkonahe. Gustong-gusto ko rin ang pusturiyosong pagkakalagay ng mga paborito kong poster at painting sa wall na malapit sa kama ko para hindi ito magmukhang makalat.

"Hey... kanina ka pa naming hinihintay. I thought we can't do this whole-interior-designing project without you," bati ko sa kanya habang sinasalubong ito ng isang magiliw na yakap.

"Nagawa n'yo nga e. As always, Vicky, you're amazing," sambit nito. At gaya ko ay gumala-gala rin ang mga mata niya sa loob ng kuwarto na para bang kinikilatis ang bawat detalye ng lugar.

"Thanks, big boy. Mica is such a good assistant. Haha. Can't do this without her," sagot ni Vicky.

"So what I'd missed aside from this whole makeover thing? Ano na namang ikinu-kuwento mo sa bave ko?" Naupo siya sa mini couch na para bang dinadama ang kakaibang lambot nito.

"Sa 'min na lang 'yon ni Mica," taas kilay niyang tugon.

Napangiti ako.

"Sige na. H'wag nang papilit," giit ni Aki.

Humarap si Vicky sa 'kin. "Sasabihin ba natin, Mica?"

Tumango ako.

"Hindi naman talaga siya secret. Gusto ka lang daw mas makilala ni Mica kaya lahat ng nalalaman ko tungkol sa buhay ng isang Aki Rushton ay sinabi ko na sa kanya."

Tumungo si Aki. "So nagustuhan ba naman niya ang mga nalaman niya?" tanong nito rito na para bang wala ako sa loob ng kuwartong 'yon, na para bang 'di ko naririnig ang usapan nila.

Natahimik si Vicky.

"Wala naman akong hindi dapat magustuhan. If you don't want to talk about this whole amnesia thing, iba na lang pag-usapan natin," sabad ko. Urghh. It always changes his mood when we're on that topic.

"Ooops, I think I should go now. May kailangan pa pala akong asikasuhin sa clinic," agad namang pamamaalam ni Vicky.

"No, Vicky. Dito ka muna, samahan mo na kaming mag-lunch. Andami ko pa namang pinamili," yaya ni Aki.

"Next time na lang. Kailangan ko na kasi talaga mauna."

"Sure?" pilit ko kay Vicky.

"Yep."

"Aw. But thank you. Thank you so much for your help."

"You're most welcome, Mica. Bye, love birds."

***

Lumipat kami sa condo ni Aki para doon maghanda ng pagkain namin for lunch. Hindi rin kami masyadong nakapag-usap pagkaalis ni Vicky. Tahimik siya at paminsan-minsan ay natutulala.

"Galit ka ba sa 'kin?" tanong ko rito.

"Bakit mo sinasabi 'yan?" Diretso pa rin ang tingin niya sa inihahanda niyang pagkain at para bang iniiwasang humarap sa akin.

"Para kasing ayaw mo na akong kausapin. May problema ba?"

"Hindi, bave. Nagpo-pokus lang ako sa pagluluto. H'wag mong isipin 'yon."

"Totoo? Eh kasi baka ayaw mo nang pinag-uusapan ka? Na pinag-usapan ka namin ni Vicky kanina. Sorry na."

"Hindi 'yon."

One Day He Wrote My Name (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon