Sadyang may mga pagkakataong 'di mo alam ang isasagot sa kausap mo kaya pipiliin mo na lang din na magtanong. "Ah. Hehe. Ano nga ang title ng book mo?"
"Sikretong malupit. Sasabihin ko lang 'pag ako'y iyong pinilit," pakantang sabi nito habang tinatapik nang bahagya ang manubela. At alam n'yong 'di ako nagpapatalo. Pakanta ko rin itong sinagot. Para tuloy naging joyride itong drama ng biglaang lipat-bahay namin.
"Ang jeje no'n. Haha," asar niya.
"E 'di ako na ang jejemon," mataray kong tugon. "Siya naman ang nagsimula," bulong ko pa.
"'Oy. Galit na agad?"
"Hindi ah. Wala akong karapatang magalit sa isang Mark Aljin Jordon."
"'Uy! Sarap no'ng pakinggan. Bagay na bagay isulat sa cover ng isang best-selling na libro, 'di ba?"
"Sige na, sabi mo e."
"Ay teka, 'andito na pala tayo." Tumigil kami sa tapat ng isang malaking apartment building.
***
Dahil sa super abala naming weekend kaya siguro tamad na tamad akong pumasok sa office nitong dumating na Lunes. Hindi kaya madaling lumipat ng bahay. Biglaan pa. Isama pa 'yong takot na may malilimutan kang mga alaala sa lugar na iniwan mo. Alam kong hindi ko madadala ang lahat ng mga alaalang mayro'n kami sa bahay na 'yon. Pero at least alam kong marami pang magagandang alaala ang mabubuo namin sa bago naming tirahan.
Maaga rin naman akong nakarating sa opisina bilang mas malapit na ang apartment namin dito. 'Buti't wala pa ang boss ko, petiks muna ako, wala naman kaming naiwan na trabaho noong nakaraang Biyernes.
At hindi ko inaasahan ang susunod kong bisita. Si binibining regla, dumating na. Kinailangan ko tuloy magmadaling pumunta sa rest room. Habang nasa loob ako ng isang cubicle doon ay naagaw ang atensyon ko sa usapan ng dalawang babaeng marahil ay nagre-retouch na agad ng makeup nila. Hanggang sa marinig ko ang pangalan ko.
"Yeah. That Mica girl is so ambisyosa," sabi ng isang babae na medyo husky ang voice.
"I know, right. She just doesn't deserve the condo. Like it doesn't fit her at all," sagot naman ng isang babae na matinis ang boses. E kung patikimin ko kaya sila ng mag-asawang sampal! Mga pakialamera.
"Ano kayang ipinakain ng froglet na 'yon kay Sir Aki, 'no?" dagdag pa noong girl na boses beking palaka. E kung supalpalan ko kaya siya ng sandwich na strawberry jam ang filling na amoy isda nang matahimik siya?
"Ke bago-bago niya rito kung umasta kala mo siya 'yung dating Mica. Ilusyunada," sabi pa ng kausap niya.
Kaya hindi ko na talaga kinaya pang magtago sa loob ng cubicle. Mabilis kong binuksan ang pinto para iharap ang sarili ko sa kanila. Kilala niyo ako, 'di ako nagpapaapi. "Are you done, mga inggeterang walang lovelife?"
Natawa pa 'yung isa sa kanila na dinaig pa ang Bavarian donut sa kapal ng makeup. "Excuse me. At least I have the real thing. Hindi puro ilusyon lang," pagmamayabang pa niya.
"Ulitin mo nga ang sinabi mo babaeng espasol! Hindi kita masisisi kung makapal ang mukha mong tira-tirahin ako nang harapan. Kasi sa kapal ng makeup mo nakalimutan mo na yatang dating kang amphibian. Pero gano'n talaga, ang pangit na ugali... 'di maitatago." Natahimik tuloy siya. Kala niya siguro 'di ko s'ya papatulan. Galitin mo na ang babaeng bagong gising, h'wag lang ang babaeng malakas ang period at may stain.
"At ang kapal ng mukha mong pagsalitaan nang ganyan ang BFF ko, babaeng hampaslupa," sabad pa ng kasama niyang parang Christmas tree kung manamit.
Uupakan ko na sana siya sa mukha pero 'di ko nagawa. Ayoko namang mawalan ng trabaho dahil lang sa dalawang babaeng 'to." At kung laway na laway kayo sa boss ko, hayaan n'yo lang tumulo nang tumulo. Hindi n'yo siya matitikman. Haha. Pero h'wag kayong mag-alala, wala rin namang lasa ang laway niya," mayabang kong sabi sa dalawa habang kinakagat ang labi ko para lalo silang inisin. Gulat na gulat ang mga mukha nila at halatang 'di ma-take ang mga sinabi ko.
"Feeling mo naman nahalikan mo na siya. In your dreams," natatawa pang sabi ng dalawa.
Pero mas nagulantang kaming tatlo nang nagbukas ang isa pang cubicle sa loob ng rest room na 'yon. Lahat kami ay napatingin sa kanya. Shet. Kilala ko siya. Nahiya ako sa mga nasabi ko kanina dahil sa aming apat siya lang, tanging siya lang, ang may karapatang magmaganda.
BINABASA MO ANG
One Day He Wrote My Name (PUBLISHED)
ChickLitMek is a hopeless romantic and she is determined to write her own destiny. 'Tapos makikita niya ang pangalan na nakasulat sa isang piraso ng papel na testing-an ng ballpen sa paboritong bookstore. Sa bookstore kung saan niya nakita ang kyut na lalak...