17. The Confessions (Part 1) 🍱

6.9K 221 61
                                    

Nakangiti lang siyang tumayo sa harap namin. Ah, siya pala si Victoria. Teka, wala ba siyang pores sa mukha? Nahiya naman sa kanya ang baby pimples kong itago na lang natin sa likod ng bangs ko. Mala-porselana ang kutis niya. Kaya naman kung nasa kalagayan niya ako nang mga oras na ito, hindi na rin ako mahihiyang naka-towel lang ako sa harap ni Sir Aki.

"B-bakit nandito ka pa?" tanong ni Sir Aki.

"E kasi tinanghali ako ng gising. Sorry," sagot nito. Teka dito siya sa condo ni Sir Aki natulog kagabi? Magkatabi silang natulog? Ano bang mayro'n sa kanila?

"Sige na magbihis ka na. O Mica, pasok ka na rito," yaya nito sa 'kin. "H'wag kang matakot kay Vicky, 'di 'yan nangangagat ng tao," dagdag pa niya.

"Oh. Siya na ba ang bago mong EA?" pagkukumpirma pa ni Victoria at saka ito tumingin sa akin.

"Hi po," bati ko rito nang magtagpo ang mga mata namin. Sa tantiya ko, matanda lang siya sa 'kin ng isa o dalawang taon. At siguro'y matangkad lang siya sa akin ng mga dalawang pulgada. At s'yempre mas mataba naman ako sa kanya ng mga isa't kalhating pulgada. Nahiya tuloy ang chubby cheeks ko sa royal cheekbones niya.

"Yep, she's the one. 'Nga pala Mica, this is Vicky."

"Oh hi, nice to meet you. Mica, right? Punta muna ako sa kuwarto, d'yan na muna kayong dalawa," nagmamadali nitong sabi sabay pasok sa isang kuwarto roon. Malawak ang condo ni Sir Aki. May dalawang bedroom sa loob nito. At minimalist lang ang pagkakaayos dito. Pero bakit amoy babae?

"So what can you say?" tanong nito habang pinagmamasdan ako.

"She's really pretty," tugon ko.

"No no no. About my unit."

"It's nice. Malawak siya. And I love the black and white paintings on the wall. Did you paint all those?"

"Vicky, she can help you design your condo as well. In fact, she's the one who designed this entire space for me. She's not an interior designer. That's too far from her real profession," kuwento pa niya.

"So ano talagang trabaho niya," curious kong tanong. This time, nakaupo na kami sa may living area.

"She takes care of me," tipid niyang sagot. E 'di wow. Kulang na lang sabihin niyang he takes care of her as well.

Hindi na ako nagtanong pa. Baka sabihin pa niyang pinanghihimasukan ko na ang pribado nilang buhay. Bagay naman silang dalawa. Parehong pang-mayaman ang mga kutis nila. And how can I hate Victoria. She's so perfect. At mukha naman siyang mabait.

"Sorry guys, I gotta go. I know it's too awkward na naabutan niyo ako rito. I'll make it up to you, big boy. See ya later," pamamaalam ni Victoria na nagmadali na ring lumabas ng unit.

Oh my. Tinawag pa niyang big boy ang boss ko.

"I like her," sabi ko sa boss ko nang makalabas na si Victoria.

"You should. I like her, too," sabi pa nito. Panes. Ekis na si Sir Aki sa list ng mga kandidato ko para sa aking ultimate soulmate search. Ang mahirap pa, hindi naman malinaw sa akin kung ano ba talagang mayro'n sa kanila. Kung hindi ko lang kabisado ang family tree ni Sir Aki, p'wede ko pang isipin na magkapatid sila pero wala naman siyang kapatid na babae. Who else would sleep in his condo?

"Anong iniisip mo? May problema ba? Are you hungry? Gusto mo ipagluto kita?"

Wait, sinasabi ba talaga ito ng boss ko sa 'kin ngayon? Bakit niya ako pinapaasa? S'yempre gusto kong ipagluto niya ako. Pero gusto ko ako lang, ayokong ipinagluluto rin niya si Victoria.

"Hey. Bakit 'di ka nagsasalita? You're a jealous girl," natatawa pa nitong sabi.

"Excuse me. Me, jealous? Bakit? Saan? Paano? Kanino?" pagmamaang-maangan ko pa. Nakakainis. Napapansin ba niya talaga?

"I know how you girls think," sabi pa nito nang maglakad na ito papuntang kitchen. "How you overthink."

"No, you don't," protesta ko.

"Try me. Gusto mo hulaan ko ang tumatakbo sa isipan mo ngayon?" Bumalik ulit siya sa may living room at hinarap ako.

"Okay," tipid kong sagot. Kinakabahan ako 'pag tumititig siya sa akin.

"You're thinking about Victoria. Na dito siya natulog sa unit na 'to. With me. Is that what's bothering you?"

"Why would that bother me?"

"Because you like me, Mica. No worries, I like you too. Period. You don't have to say anything, right now, okay?" dire-diretso nitong sabi. P'wede sigurong linawin muna niya sa 'kin ang relasyon nila ni Victoria bago niya sabihing gusto niya ako.

"You're confusing me, sir. Honestly. Why would you say such things?"

"Because that is true," madiing sabi nito. Teka nagagalit na naman ba siya sa 'kin?

"Sir?" Naiiyak na talaga ako. Hindi ko alam kung saya ba o takot ang nararamdaman ko.

"Bakit ka umiiyak? Oh please, don't cry. Ayoko nang nakakakita ng mga babaeng umiiyak," sambit nito habang lumalapit sa akin. Bakit ba ang bait bait na niya ngayon sa akin? Ginugulo niya ang sistema ko. Paano kong pinaglalaruan lang pala niya ako? Ang dali ko pa namang maloko.

"Sir, kasi, ayoko nang maniwala. Maniwala na darating pa rin ang tamang lalaki para sa akin. Mas masakit kasi pag nando'n ka na sa puntong malalaman mong 'di pala totoo ang lahat ng pinaniniwalaan mo."

"I guess, you're still not ready for this," sabi nito nang bigla niya akong niyakap. Ang init ng katawan niya. Bumilis ang tibok ng puso ko. Bigla na lang akong hindi makagalaw. At saka ko isinubsob ang ulo ko sa dibdib niya para tapusin ang pag-iyak ko. "And please, h'wag na h'wag kang haharap sa 'kin nang may luha pa d'yan sa mukha mo, iyaking bata."

Wala akong masabi. Napakabango niya. Ganito ba siya sa lahat ng mga babaeng gusto niya? Ayoko man pero pinili kong umalpas na agad sa mahigpit niyang pagkakayakap. Ayoko kasing masanay sa mga bagay na hindi ko dapat kasanayan.

"Every one deserves a beautiful love story. Hindi porke't pangit ang kinahinatnan ng una mong pag-ibig, pangit na rin ang mga susunod. Nandito na ako, Mica," sabi pa nito.

Hindi ko alam ang sasabihin ko, ni hindi nga ako makatingin nang diretso sa kanya.

"Ipagluluto na lang kita at 'pag natikman mo ang specialty ko, sigurado akong malilimutan mo ang mapait mong kahapon. Deep, 'di ba?" dagdag pa nito.

"Sir."

"Ano na naman?"

"Bakit mo ba 'to ginagawa?"

"Mica, hindi kita pinipilit maniwala sa mga ipinapakita at ipinaparamdam ko sa 'yo. Kaya nga hindi natin mamadaliin ito. Gusto kong mas makilala mo pa ako nang mabuti. Okay lang ba sa 'yo 'yon?"

"So g-gusto mo nga a-ako?"

"What?" naiinis na nitong sabi. "Ilang beses ko pa ba dapat sabihin 'yon sa 'yo?"

"Hindi mo ba iniisip ang mga sasabihin ng ibang tao. Sir, pang-teleserye ang sitwasyon natin. Langit ka, lupa ako."

"'Yan ba ang gumugulo sa 'yo? P'wes wala akong pakialam sa mga iniisip nila. Mahalaga ba sa 'yo 'yon? Teka lang. Why do I get this feeling na 'di mo na tinatanggi na gusto mo rin ako."

"Tanga ka ba sir? S'yempre given na nga 'yon na gusto rin kita. Kaloka ka."

One Day He Wrote My Name (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon