13. The Treats 🍡

7.5K 216 128
                                    

"Weh, 'di nga? 'Di ba 'pag retrograde amnesia ang case, sadya namang kusang bumabalik ang mga alaala?"

"Yeah, in my case mas naaalala ko 'yung mga nangyari nang mas bagets pa ako. 'Yung hindi ko maalala e 'yung recent events. Lalo na ang mga pangyayari bago mismo ang aksidente which I don't really want to talk about right now." Seryoso na naman ito at parang nakakatakot nang kausapin pa.

"Sorry, sir. Pero sa tingin ko kasi, kailangang mabigyan ng credit kung sino mang nakaisip nitong project na 'to."

"Okay. Sabi nila her name is Mica." Diretso lamang ang tingin nito sa bakanteng lote at bakas sa mukha niyang ayaw nang magkuwento.

Natahimik ako. Napagtagpi-tagpi ko bigla ang ilang kawing-kawing ng impormasyong gumugulo sa isipan ko noon pa. Totoo pa lang may ibang Mica siyang hinahanap noong mga panahong iniisip kong siya na ang aking one great love. Pero bakit niya nga ba ito hinahanap noong mga oras na 'yon? Hindi ko maintindihan kung bakit ako nasaktan sa mga sinabi niya.

"Hinire [hire] n'yo lang ba ako dahil naaalala n'yo siya sa'kin?" biro ko rito with my OA facial expression para matawa naman ito.

"No. It's not what you're thinking. P'wede ba Ms. Santos, h'wag kang...?"

"Hindi ako feeler, sir," putol ko rito. "Gusto ko lang malaman kung anong nangyari sa kanya. Kung bakit mo siya hinahanap noong una tayong magkita sa bookstore na 'yon."

"I told you, wala akong naaalala. And I don't want to remember her."

Hindi ko rin maintindihan kung bakit iniisip kong may relasyon sila dati ng Mica na 'yon. Pero mas nasaktan ako noong sinabi niyang ayaw na niya itong maalala. 

Tahimik naming nilibot ang buong parke. Hapon na rin at papalubog na si haring araw. Hanggang sa tinanong niya ako kung gusto ko na raw bang umuwi. Hindi agad ako makasagot. May bahagi kasi dito sa puso kong gusto pa siyang makasama, at ang kalahati nito ay gusto na akong pauwiin dahil alam nito ang posibilidad na dudurugin lang nito nang pinong-pino ang kabuuan nito.

"Tapos na ba agad tayo? Itse-tsek lang talaga natin 'yung lote na 'yon?"

"Bakit gusto mo pa bang magtrabaho? Ikaw rin naman ang inaalala ko e," sabi nito.

"Kumain na lang tayo, sir."

"Okay. Libre mo."

Nagulat ito nang hilahin ko siya papalabas ng park. Doon ko siya dinala sa tapat ng park kung saan maraming nagtitinda ng mga kwek-kwek, fishball, isaw, at iba pang street food.

"Oh ano, kumakain ka ba ng gan'yan?" tanong ko rito nang madala ko siya sa isang kwek-kwek booth. Totoong paborito ko ang kwek-kwek nila rito. Siguro dahil sa sauce ni kuyang tindero.

"Hindi. Pagkain ba 'yan?" seryosong tanong nito.

"Grabe talaga. Nakakasakit ka naman ng feelings, sir."

"S'yempre naman, kumakain ako ng street food. Hindi ako tulad ng iniisip mo."

"'Yun naman pala. Go and make tusok-tusok na," asar ko rito.

Sinimulan ko nang kumuha ng stick at magtuhog ng isang pirasong kwek-kwek na lumolobo sa sarap. Pero nakatayo lang siya sa may tabihan ko na parang bata na 'di alam ang gagawin.

"Seriously? 'Di ka pa talaga nakakakain ng kwek-kwek sa tanang buhay mo?"

"Quail eggs 'yan 'di ba? Bakit pa kailangang lagyan ng orange na bread crumbs?"

"H'wag nang maraming tanong. Tikman mo na lang. Masarap kaya. Para lang 'yang pritong manok na nilagyan ng breading, mas lalong pinasarap ang lasa," yaya ko rito habang napapaubo ito dahil sa usok ng mga sasakyang dumadaan sa paligid. Napatitig ako sa maitim na kawaling pinagpiprituhan ni kuyang tindero ng mga kwe-kwek at sabay namanga sa kung gaano na ka-dilaw ang mantika nito, kasama na ang ibang sunog na particles na lumalangoy kapiling ang mga kwek-kwek. 'Yung isa ko pang katabing lalaki ay sinawsaw pa ang nakagatan na niyang kwek-kwek sa bote ng sauce nito. Maitim pa ang dulo ng mga kuko ni kuyang tindero. Hindi ko naman pinapansin ang mga bagay na ito noon. "Okay. I get it. Tara balik na tayo sa park. Sorry, sir," dugtong ko. Hindi ako makatingin nang diretso sa kanya. Binayaran ko na lang si kuyang tindero para sa isang pirasong kwek-kwek na nakain ko at saka tinangkang bumalik sa park kung saan may mga high-end na kainan. Ipinaalaala lang sa'kin ng sitwasyong ito na magkaiba talaga kami ng mundo ng boss ko. Hanggang sa mapagtanto ko na mag-isa na lang pala akong naglalakad pabalik ng park. Gusto kong maiyak. Ang mga nakakasalubong ko pa ay mga magkasintahang nakakadala ang tawanan habang naglalandian.

One Day He Wrote My Name (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon