1. The Pen 🖊

19.6K 399 143
                                    

NAULINAGAN ko ang boses ng isang lalaki sa may likuran ko. "Miss," tawag niya. Ako ba ang tinatawag niya? Hindi ko siya pinapansin. P'wede kasing 'di ako ang tinatawag niya at ayoko nang mapahiya. Ayoko nang matawag na assume-mera.

Mayamaya pa ay kinalabit na niya ako sa braso. "Bakit ba kuya?" pigil kong bulyaw rito. Ayoko kasi ng hinahawakan ako.

"Sorry miss. Gusto ko lang sanang makihiram ng bolpen mo, kung may extra ka d'yan," nahihiyang sabi nito habang napapakamot sa ulo. Bolpen na naman. Lagi na lang akong ipinapahamak ng mga bolpeng 'yan. Tahimik sa loob ng kuwarto at ang ibang aplikante ay abala sa pagsasagot sa kani-kanilang testpaper.

"Bakit kasi 'di nagdadala ng bolpen, e alam na exam ang pupuntahan, eto oh," bulong ko habang iniaabot sa kanya ang extra pen na dala ko.

"Thank you," tugon nito nang tuluyan nang makuha ang bolpen. Bahagyang nagdikit ang mga kamay namin, napatitig ako sa mukha niya, at naramdaman ko ang koryenteng kumiliti sa mga daliri ko. Dumaloy iyon sa buong sistema ko at kinausap ko na naman ang sarili. Kung alam ko lang na ganito siya ka-guwapo e 'di sana kanina ko pang in-offer sa kanya ang bolpen ko.

"Miss, are you okay?" Nakatitig na pala ako sa kanya nang 'di ko namamalayan.

"Ah, ah... y-yes. Sa'yo na 'yan," tarantang tugon ko rito. "50 pesos lang."

Bahagyang pagkagulat ang rumehistro sa mukha niya.

"Anong gusto mo? 'Pag pupunta ka pa ngayon sa bookshop at kung sasakay ka sa dyip mamasahe ka ng 7 pesos. Balikan pa 'yon. So 14 pesos na agad. Plus, 'yung mismong price pa ng bolpen, at ang oras na ilalaan mo sa pagpunta mo ro'n. Chances are 'di ka na makakakuha ng exam. And you won't get this job," katwiran ko rito. "Kung ayaw mo, akin na lang ulit 'yang bolpen ko."

"Shssss," biglang sigaw ng babaeng nagbabantay sa 'min. Masyado yatang malakas ang boses ko. Baka isipin pa niyang, nangongopya ako. E mukha namang ang dali-dali ng exam na ito.

"What the...?" narinig kong bulong ng lalaking 'yon. Tinapunan ko lang siya ng isang masamang tingin na biglang nabago nang iabot na niya sa 'kin ang bayad niyang 50 pesos. 'Di ko in-expect na seseryosohin niya 'yung biro kong 'yon. S'yempre mahalaga sa akin ang 50 pesos at malugod ko itong tinanggap. "Hoy kuya, binibiro lang kita, sa'yo na 'tong 50 mo," tawag ko rito at kunwari'y gusto ko pa itong ibalik sa kanya kahit naitago ko na sa wallet ko.

"Sa'yo na 'yan. Salamat ulit."

"'Buti pa itong 50 pesos, matatawag kong sa'kin," nabiglang sagot ko rito. Hindi ko na naman namalayang nakatitig na pala ulit ako sa kanya.

Tumikhim siya at muling ibinaling ang tingin sa kanyang testpaper. "Sige na miss, baka mapagalitan pa tayo ng nagbabantay sa 'tin," patuloy nito.

Sinikap kong tabunan ng buhok ang mukha ko para 'di niya mapansin ang pamumula nito habang nilulunod ang sarili sa labis na kahihiyan. Ang sabi kasi ni Alma Young sa libro niya, malalaman mo raw na siya na talaga ang soulmate mo 'pag tinitigan mo ang mga mata nito. Eyes are windows to the soul, sabi nga nila. Nang lumao'y nakapagpokus na ako sa exam na sinasagutan. Kailangan ko 'tong seryosohin. Dito lang naman nakasalalay ang career ko. 'Pag napasa ko ang exam na 'to, alam kong madali na ang mga susunod na interview. At isa pa, handang-handa na rin ako sa mga sasabihin ko sa magiging final interview ko. Ganyan ako ka-positibo ngayong araw.

Makalipas ang isang oras, natapos na rin ako sa aking exam na may matinding tiwala sa mga naging sagot. Kaya naman laking gulat ko nang mapagtantong mag-isa na lamang ako sa loob ng kuwarto. Marahil nga'y gano'ng katindi ang naging pokus ko sa exam para 'di mamalayan ang pagtayo ng mga kasamahan kong mag-exam. Wala na rin si kuyang kyut na bumili ng extra pen ko kasama 'yung tatlong babae na kasabay nga namin sa pagsusulit. Kanina pa siguro silang tapos. Basta ako, sineryoso ko talaga ang exam at 'di ko 'to minadali, kompiyansang sabi ko sa sarili.

One Day He Wrote My Name (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon