"Oh Mark, good to know you're finally here," bati ni Aki kay Mark sabay tapik sa balikat nito. "Hinihintay ka na ni dad sa office niya," dugtong niya.
"Congrats," nakangiti ring bati ni Vicky.
"Thanks. Pero san lakad n'yo?" masiglang tugon ni Mark. Ngayon ko lang napagtanto na pareho sila ng mata ni Aki. At mas kita ang pagiging Rushton niya 'pag nakangiti siya.
"Ah. We'll be meeting someone," sagot ni Aki. Siguro'y may kliyente na namang nagpapahabol sa kanya. Pero bakit hindi ko alam? Wala naman siyang nabanggit sa akin noong nakaraang Biyernes. At ang siste, nag-uusap sila na parang wala ako sa tabi ni Mark. Kahit si Vicky hindi man lang siya sumulyap sa akin. Naputol na lamang iyon dahil sa elevator na nagmamadali nang bumaba.
"Ah sige. See you later," ani Mark. At nang tuluyan nang magsara ang elevator ay binigyan niya ako ng nagtatakang tingin. "What was that? May problema ba kayo?"
"Ako ang problema, Mark. Ako lang naman lagi ang nagpapagulo ng sitwasyon e," nakatungo kong sabi.
Iniangat niya ang baba ko at tumitig sa akin. "Ano bang nangyari?" usisa niya. Pero bakit si Aki ang nakikita ko sa tuwing ibabalik ko ang titig sa kanya?
"Have you heard about Alma Young's latest book?" Rinig ko ang garalgal sa tinig ko.
"Yeah. It's trending nationwide. Ang sabi pa nga ay dedicated daw ang librong 'yon kay Aki. Totoo ba? 'Di ko pa nababasa. Don't tell me ang librong 'yon ang dahilan kung bakit hindi kayo nagpapansinan? 'Di nga? Dahil sa librong 'yon e nagselos ka at nag-away kayo?"
"Ang totoo, dahil sa librong 'yon ay nalaman ko na ako ang dahilan kung bakit sila nagkahiwalay ni Mystery Mica. Turns out, she's Alma Young."
"You can't be serious, Mek," mangha niya. At mas lalo siyang humawig kay Aki nang kumunot ang noo niya.
"Pramis. Kahit ako ay nagulat. Kahapon ko lang 'yon nabasa ha pero para bang ang dami na agad nangyari," sabi ko.
"I take it I have to read the book myself. Pero teka, 'di ba nagkita lang naman kayo nang may amnesia na si Aki? At nang mga oras na 'yon, hiwalay na sila ng Mica na 'yon. Wala akong nakikitang dahilan para maguluhan ka."
"Well unfortunately, we've met a few times over before. Sa Lovers' Maze, sa CNBar, 2 years ago, at sa Kismet Bookshop, a year ago." Muli kong inayos ang pagkakasukbit ng satchel kong lulan ang aking clearbook.
"Interesting. Ang dami ko pa palang hindi alam tungkol sa inyo. Pero bakit mo sinisisi ang sarili mo?" usisa niya habang naglalakad na kami papasok sa office.
"Because I kissed him. Noong nasa CNBar kami. Noong sila pa ni Mystery Mica. At nakita 'yon ni Mica, kaya siya lumayo. Siguro inisip niya na niloko siya ni Aki."
Natigilan si Mark. "That's something. Tell me you didn't know what you were doing that night."
"Yeah, I didn't know what I was doing. I was so drunk. I couldn't even remember kissing him. Pero kinumpirma sa akin ni Ara na nangyari nga 'yon," saad ko. Pinag-isipan ko kung itutuloy ko pa ang pagbubulatlat ng mga detalyeng iyon kay Mark. Pero s'yempre alam n'yong may tiwala ako sa kanya at alam kong hindi niya ako basta-basta huhusgahan kaya nagpatuloy lang ako sa kuwento ko. "Oo nga pala, nagkita rin tayo ng gabing 'yon. Sabi mo nga narinig mo ang tula ko para kay Ken, sa ex ko. After that night, I saw Ken kissing someone. Or I thought I saw him kissing someone. And I was so devastated. I called Ara and we went to CNBar, and according to Ara, that's when we met Aki."
"Oo, hindi ko malilimutan ang gabing 'yon. At kung tama ako, nagkita rin kami ni Aki sa CNBar no'n. Mabilis nga lang. Noon pa man kasi, he's been inviting me to join the company." Naalala ko ang libro ni MM. Sabi niya makikipagkita raw si Aki sa isa sa mga kliyente nito noong gabing 'yon. Siguro si Mark ang tinutukoy niya ro'n. "Alam mo Mek, sobrang overwhelmed ako sa mga natuklasan ko ngayong umaga. Gano'n na ba talaga kaliit ang mundo natin noon pa man? Teka, sinabi mo ba ang lahat ng ito sa kanya? Kay Aki?"
BINABASA MO ANG
One Day He Wrote My Name (PUBLISHED)
ChickLitMek is a hopeless romantic and she is determined to write her own destiny. 'Tapos makikita niya ang pangalan na nakasulat sa isang piraso ng papel na testing-an ng ballpen sa paboritong bookstore. Sa bookstore kung saan niya nakita ang kyut na lalak...