[Now playing: Demi Lovato's Don't Forget]
(. ❛ ᴗ ❛.)
Nang makarating ako sa bahay ay agad kong kinontak si Aki. Nag-ring ito pero hindi niya nasagot. Kahit kasi tapos ko nang basahin ang bagong libro ni Alma Young ay ang dami-dami ko pa ring tanong na sa pakiramdam ko ay tanging si Aki lang ang makakasagot. O ang planner niya. Naghintay ako ng tawag mula sa kanya. Halos isang oras kong inabangan na mag-ring ang mobile ko ngunit kahit beep ay wala akong narinig. Sinubukan ko ulit siyang kontakin pero patuloy lang sa pag-riring ang mobile niya. Baka nga busy lang siya. Baka marami siyang binabasang papers sa condo niya.
Naisip kong puntahan na lamang ito sa condo niya. Mabilis kong dinampot ang librong To The Soul I Lost na aking sinilid sa paborito kong satchel kasama ng mobile at shawl ko.
Habang naglalakad ako patungong Tower 3 ay namataan ko ang isang pamilyar na lalaki. Suot niya ang kupas na band shirt na regalo ko pa sa kanya noon. Hindi ko maintindihan kung bakit kusa na lang bumuo ng ngiti ang mga labi ko nang magtagpo ang mga mata namin. Sa isang iglap ay nasa harapan ko na siya.
"Hey. Bakit mag-isa ka? Dumidilim na? Where's your cool boyfriend?" bati niya na may sarcasm sa tono.
"Ken, tigilan mo nga ako. Kung umasta ka parang walang lang ha. Kumusta?"
"Galit ka pa rin talaga. You didn't even give me a chance to explain myself to you," giit niya. Seryoso ang mukha niya at 'pag tumitig ka sa mga mata niya, iisipin mong nagsasabi siya ng totoo. Naalala ko tuloy si Alma Young nang basta na lang din siyang hindi nagpakita kay Aki. Gano'n din ba ako ka-unfair kay Ken?
"Para san pa? Kitang-kita naman ngayon na kayo na nga talaga ni Mary," inis kong tugon.
"Because you left me. Hindi mo alam kung gaano kasakit sa akin ang ipagtabuyan ng mga magulang mo, at ng bestfriend mo sa tuwing hahanapin kita sa kanila. Dahil basta ka na lang nawala. You even changed your mobile number. And Mary, she was there when I needed you most. Kylie, my sister, died on that same week and...," naiiyak niyang sabi. I hate seeing him cry. Naiiyak rin ako.
"Oh my God. I don't know. She's only 16. I'm so sorry," nakatungo kong sabi. I really like Kylie. Siya ang number one fan ng MeKen love team.
"Obviously, you didn't know a lot about me when you left. It seems like marami pa akong dapat ikuwento sa 'yo. Sobrang dami, Mek. Hindi kita niloko. Sana maniwala ka. Wait, can I buy you a cup of coffee? Since 'andito na rin tayo sa tapat ng Kismet."
"Nagugulat pa rin ako sa nangyari kay Kylie. Hindi ako makapaniwala. Bakit hindi man lang nakarating sa akin ang balita?" demand ko habang sinusundan ito sa paglalakad.
"I don't know. Maybe the people around you hid that from you. So that we won't see each other again. How come they're so mad at me?" angal niya habang binubuksan ang pinto ng Kismet Café.
"Because you're a cheater."
'Tsaka siya humarap sa akin. "So you still think that I kissed Mary that night?"
"Because that's what I saw," giit ko.
"But that's not what we're doing. May ibinubulong lang siya sa akin that night when you came. It's about us. We're planning a surprise for you. She wanted to help me," pabulong niyang sabi. Nasa loob na kasi kami ng café at siguro ayaw n'yang gumawa ng scene.
"You can't be serious. I know what I saw. You guys are kissing," giit ko habang pumipili siya ng maayos na mauupuan sa loob ng café. Malawak ang café at sa bandang unahan kami nakakita ng magandang puwesto. Doon ay kita mo ang mga taong dumadaan sa tapat ng café.
BINABASA MO ANG
One Day He Wrote My Name (PUBLISHED)
ChickLitMek is a hopeless romantic and she is determined to write her own destiny. 'Tapos makikita niya ang pangalan na nakasulat sa isang piraso ng papel na testing-an ng ballpen sa paboritong bookstore. Sa bookstore kung saan niya nakita ang kyut na lalak...