14. The Sequel (Part 1) 🎂

7.6K 216 48
                                    

Noong gabing 'yon ay mas nakilala ko pa nang lubos si Mark. Lalo akong nasabik sa mga katoto ko noong college na ngayo'y abala nang lahat sa kani-kanilang love life, sa clingy girlfriends nila. Kahit nga si Ara ay minsan ko na lang din makasama. Kaagaw ko pa si Christian.

"Mas sasaya ako Mark kung babawasan mo nang konti ang hangin sa katawan mo. Para kang ang boss ko e," sabi ko rito habang umuupo sa tabi niya.

"Ayan na... ayan na, ipinasok mo naman siya sa usapan," napapailing nitong sabi.

Napangiti ako. "What?" mataray kong tugon. Napatingin ako sa nakakahong keyk, na nakapatong sa aming entertainment center, na kunwari ay 'di ko napansin.

"Ang laking guwapo ko naman sa boss mo, Mek. Nakapusyaw lang siya sa'kin nang konti. Ilang ligo lang 'yon," tudyo nito habang ipinagmamalaki niya sa akin ang moreno niyang mga braso.

"Shssss. Baka marinig ka na ni mama, isipin pa no'n suitor kita," saway ko rito. "Eeewww."

"Ganda ha," sabi nito na may pang-uuyam sa tono habang sinisiko ako.

"Of course. Thanks for always boosting my confidence."

"Alam mo ikaw Mek, galit na galit ka sa'kin dahil sabi mo mayabang ako, minsan try mo ring makinig sa sarili," asar nito.

"Excuse me. H'wag mo nga akong ikumpara sa'yo," mariin kong protesta.

"Yikee, kaya nga bagay na bagay kayo," sabi ng matinis na boses na umaalingawngaw mula sa kusina namin. Shet, kilala ko ang boses na 'yon. "Tara na kumain," tawag pa nito. At lalo akong nakonsiyensya. Noon ko lang naalaala na birthday nga pala ni Ara. Tapos isinama-sama pa niya si Mark dito sa bahay. Dito kasi lagi sa amin nagdadaos ng kaarawan niya si Ara. Bukod sa nasa probinsya nga ang buong pamilya niya at mag-isa lang din siya sa boarding house niya, pagdating kasi sa pagluluto, siya ang number one fan ni mama.

***

Masasabi kong mas naging abala ako sa trabaho nitong sumunod na linggo. Hindi ko rin masyadong nakikita si Sir Aki sa opisina. Sa tuwing makikita ko naman ito sa loob, lagi naman niyang kausap sa telepono ang Victoria na 'yon, o Vicky kung tawagin niya.

Naging madalas din naman ang pagkikipagtext ko kay Mark. Ang bilis talaga naming naging close sa isa't isa, feeling ko BFF ko na agad ito. Araw-araw, may mga bagong bagay akong nalalaman tungkol sa kanya. Tulad halimbawa ng manuscript niya na malapit na raw malathala. Bakit gano'n, parang ang dali-dali lang sa kanyang magsulat, samantalang ako, kumuha na nga ng kurso sa pagsusulat, binasa ko na rin ang libro ni Alma Young na Success In Writing and its Duchess, hindi pa rin ako katnigan ng tadhana. Sabi nga ni Mark, "Just let it flow." Nakaubos na nga ako ng ilang bolpen, wala pa rin akong maayos na naisusulat. Ilang litro pa kaya ng ink ang kailangan kong maubos makabuo lang ng isang kuwento? Makabili nga ng laptop sa s'weldo ko, baka sakaling mas makapagsulat ako nang maayos.

At sadyang mabilis rin ang mga araw, Biyernes na naman at magkikita na ulit kami nina Ara at Mark ngayong gabi. Maaga akong nakarating sa opisina tulad ng mga nakaraang araw. Pero ikinagulat ko ang aking nadatnan sa loob. Nandoon na si Sir Aki. Nakakapagtakang hindi siya nakasuot ng tux ngayon. Magulo pa ang buhok niya na parang bagong gising.

"Aba, sir, napaaga yata tayo ngayon," bati ko rito habang ibinababa ko ang satchel ko sa ibabaw ng aking desk.

"S'yempre, sa field tayo ngayon. Good thing, naka-stilletto ka," nakakaloko nitong sabi habang iniikot-ikot ang hawak niyang bolpen.

Napatingin naman agad ako sa suot kong stiletto. "Walanjo ka naman sir, 'di mo naman ako in-inform kahapon," nanggagalaiti kong reklamo.

"'Di bale madaming stock ng sapatos d'yan sa isang cabinet na malapit sa station mo."

One Day He Wrote My Name (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon