16. The Condo (Part 2) 🌃

7K 210 55
                                    

Bigla kong naalala ang usapan namin nina Mark at Ara noong nakaraang Sabado.

"H'wag ka nang aalis d'yan sa FATE Co., sila na yata ang pinaka-generous na kompanya sa bansa," sabi ni Mark. Isa sa mga nagustuhan ko kay Mark ay ang pagiging matalino nito at pagiging updated niya sa maraming bagay.

"Generous in what ways?" tanong naman ni Ara habang kinakain ang mga prutas na para sana kay Mark.

"Aside from the fact na mas mataas silang magpas'weldo sa employees nila, sobrang daming tinutulungan ng FATE Foundation. If you're watching TV, you should know," sabi nito na ipinapamukha sa aking alam ko dapat ang mga sinasabi niya. "Pero teka, ang isang bata d'yan manlibre naman."

Napangiti lang ako. Narinig ko kasi ang salitang 'libre'.

"As such, last year, they donated 5 million sa mga nasalanta ng bagyo on top of the goods they're sending to affected areas. FATE Foundation also supports the youth and aspiring young artists in realizing their dreams. As you know, it's FATE Publishing who'll publish my book," dagdag pa nito.

Noon ko rin napagtanto na napaka-suwerte ko nga pala na natanggap ako sa FATE. Kahit na sa Zhyx Media ko talaga pinapangarap magtrabaho, napakarami pa rin pa lang oportunidad na mayroon sa FATE. Bakit ba gusto lagi natin sa number one? Yep, Zhyx is the most established and the number one publishing company in the country. Perhaps, I always thought that FATE Publishing is not good enough, and that it's just a very small company na nabili lang naman talaga ng FATE Co. At siguro dahil ang mga gusto ko lang basahin ay ang mga librong pina-publish ng Zhyx which makes me too judgey. Bakit kasi 'pag sinabing FATE, malls at condos agad ang pumapasok sa isip ko.

"You can't be serious, sir," pagdududa ko pa rin sa offer nito. Ngumiti lang siya sa 'kin at saka tuluyang lumabas ng kuwarto. Sinundan ko ito hindi dahil umaasa ako sa sinasabi niyang condo unit kundi dahil sa EA niya ako.

Plate glass lang ang dingding ng kuwartong iyon kaya tanaw na tanaw ko ang iba pang naglalakihang gusali sa tapat ng Fate Co. Tower. Pinagmasdan ko muna ang mga ito. Naalala ko bigla sina mama at papa at ang pangarap nila para sa akin. Lagi na lang kasing pangarap ko lang ang iniisip ko nitong nakaraan, ang makilala na nga ang ultimate soulmate ko at ang makapagtrabaho sa isang kilalang kompanya.

Bigla naman akong binati ni Dian paglabas ko ng kuwarto. "Congrats, Mica. You're so great. Kailan ang house-warming?"

Kaya naman lalo akong naguluhan. Ngayon naman, alam na niyang may condo ako. Tumingin ako sa boss ko. At bakit niya ako kinindatan? "See I told you. Kasi kasi, you're not reading the bulletin," sabi pa nito.

"Morning, Sir Aki. Mica is one lucky girl," biglang bati naman ni Dian sa boss ko.

"Ano bang nangyayari Dian? I am so clueless," sabad ko.

"Oh my god, Mica. Seriously, 'di mo alam na nanalo ka na ng condo?" Kinakabahan ako sa mga sinasabi ni Dian. Para kasing ayokong maniwala.

"Hindi pa rin kasi siya naco-contact ng organizers, Dian. But I'll be showing her the condo now," sabi nito habang itinatapat ang kanyang kanang daliri sa mapupula niyang mga labi.

"Wait sir. I really don't understand." S'yempre, tinanong ko ang sarili ko kung may contest o raffle promos ba akong sinalihan nitong nakaraan. Wala, sagot ng konsiyensya ko.

"Okay," tipid nitong sagot na para bang tinatamad nang mag-kuwento. "Remember last Monday when I forced you to write an essay about the company which you willingly wrote for me, that one is your entry..."

"To the greatest literary contest in the country. Might as well, the most generous contest ever," sabad pa ni Dian na punong-puno ng energy.

"You should have told me, sir. Sana mas naayos ko pa ang pagkakasulat no'n."

"Gaga. Nanalo ka na. Meaning you nailed it, girl," sabi pa ni Dian na biglang napatakip ng bibig. Maka-gaga naman siya sa harap ni Sir Aki. "And better check the broadsheet, nasa news ka na kaya girl."

"That's why I was trying to contact you last Saturday. Saturday pa lang kasi alam ko na ang result." Nakatitig na ulit sa akin si Sir Aki na para bang kinukonsiyensya ako.

"Teka hindi ako makahinga, sir. Nangyayari ba talaga 'to? Mayaman na ako? May condo na talaga ako? My own condo?" Alam n'yo 'yong salitang ngiti to the 10th power, gano'ng gano'n ang nakapinta sa mukha ko.

"Yes. So let's go." Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako pababa ng gusali.

Ngayon naman ay sakay na ulit kami sa bago na naman niyang sasakyan. Kasama na ulit namin si kuya Marvin para ipagmaneho kami. Gusto ko sanang itanong kung bakit hindi na siya nagmamaneho lately pero mas overwhelmed ako sa condo ko raw. Magkano kaya 'yon 'pag binenta ko?

"You know, Mica, you're a very good writer. You should not stay with FATE for long," sabi pa niya. Ngayon naman ay para bang tinataboy niya ako.

"I love my job here, sir. At p'wede niyo bang i-explain sa akin kung bakit ako ang nanalo sa sinasabi n'yong contest na 'yon. Para kasing ngayon lang ako nakarinig ng essay writing contest na condo ang prize."

Natawa siya sa 'kin at saka sinabing, "As you know, the contest was just open for FATE employees and staff all over the country. And not everyone can write as good as you. It's part of FATE's 50th anniversary special. Giving away condo units. Marami pang contests and raffle promos to come na magiging open na naman sa lahat."

"I just can't believe that you would do that for me. If you didn't submit that essay of mine, I won't have this condo at all. Hindi naman kaya ikaw sir ang dahilan kung bakit ako ang napiling manalo?" Ako rin ay nabigla sa mga nasabi ko.

"Why would you think that? It's Lolo who decides who'll win; of course with the help from his media friends. Kung binasa mo ang history ng FATE malalaman mong bago naging businessman si lolo ay naging writer muna siya."

"I should read that," tugon ko habang pinagmamasdan ang mga matataas na gusaling dinadaanan namin.

"But don't expect too much for the condo. Maliit lang siya at studio-type but I can say that it's nice. It's FATE so it should be really nice."

Makalipas ang labing-limang minuto ay nakarating na rin kami sa gusali kung saan nandoon ang condo niya at s'yempre ang aking future condo which I never ever saw coming.

"I got your keys," sabi nito nang nasa tapat na kami ng condo niya. "But I'll show you mine, first. At s'yempre, you should not tell everyone na ipinakita ko na agad sa 'yo ang condo mo, dahil hindi pa ito officially sa 'yo, marami ka pang papel na pipirmahan at aattend ka pa ng awarding night," dugtong pa nito.

Pero sa pagbukas namin ng condo niya ay laking gulat namin na may isang babaeng bumungad sa amin. Naka-towel lang ito na para bang katatapos lang maligo at halata mong nagulat din sa pagdating namin. Napakaganda niya at sobrang skinny.

"Vicky?" gulat na tanong ni Sir Aki.

▪️🐒🐒🐒▪️

AN: Hi bavy! Anong masasabi mo sa update na 'to? Please share your thoughts below. Labyu!

One Day He Wrote My Name (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon