"And thank you. I really mean it," dugtong niya nang para bang 'di ko pinansin ang pagpapakilala niya. Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko. At 'di ko rin feel na makipag-usap sa kanya.
Ngayon ay sabay na kaming naglalakad, at ramdam ko ang init ng hanging dumadampi sa mukha ko. "Do you really mean it?" paglilinaw ko. Napahigpit ang yapos ko sa clearbook na laman ang resumé at requirements ko.
"Yes, ang totoo nga n'yan e gusto kong makabawi sa'yo. Suklian man lang ang nagawa mong suwerte sa'kin ngayong araw. Let's celebrate," pakli niya. "May iba ka pa bang lakad ngayon?"
Lumingon ako sa kanya. Bahagya akong napatigil sa paglalakad. "Celebrate?" Paano ako magce-celebrate? Hindi nga ako natanggap sa trabaho, 'di ba?
"Yep. My treat. Okay, I know, this sounds awkard kasi kakikilala lang natin. But you know what, I have to do this. Utang na loob ko sa'yo ang trabaho na 'to 'pag natanggap ako. Hindi yata ako makakatulog 'pag 'di ko 'to nagawa. Please," pilit nito. Teka, bakit ang bait ng mokong na 'to? Kung ililibre naman niya ako ngayon, makakatipid pa ako ng 50 pesos na budget ko na sa lunch ko. Idagdag pa ang hindi maikakailang katotohanan na masarap pagmasdan ang mukha niya. Teka, nangyayari ba talaga ito? Tatanggi pa ba ako sa regalong ito ni universe? Mukha naman siyang harmless.
"Sa'n mo ba balak pumunta? Kailangan ko na rin kasing umuwi," nagmamayumi kong tugon.
"Oh, kahit sa mall na lang. Lunch. Deal?"
"Okay lang," nag-aalangang sagot ko rito nang bigla namang umungol ang OA kong tiyan. Napatawa tuloy siya at lalo siyang nagmukhang anghel dahil sa aliwalas na dala ng mga ngiti sa mukha niya. No. 'Di ako dapat magpadala sa mga nakikita ko. "So tara na?"
"Teka, teka. 'Di mo pa sinasabi sa'kin ang name mo," reklamo niya habang seryosong nakatingin sa mukha ko. At ramdam ko ang bahagyang pag-init nito hindi dahil sa init ng araw kundi dahil sa inner goddess sa loob ko na gusto na yatang kumawala.
"Mica, that's my name. So tara na," yaya ko na rito para 'di na humaba pa ang getting-to-know stage na ito at bago ko pa ikuwento sa kanya ang istorya namin ni Ken-ken.
Marahil ay naramdaman nito ang biglang tulin ko sa paglalakad na sinadya ko para 'di na kami magkasabay at 'di rin niya mapansin ang pamumula ng mukha ko. Pero mas mabilis siyang maglakad at hindi tulad ng inaasahan ko'y pinili niyang mauna sa akin. "Akala ko ba'y nagmamadali ka, kulang ka pa sa bilis," asar nito. Hindi ko na binilisan ang paglalakad at sinikap muling tabunan ng buhok ang namumulang mukha.
Saka na lang ulit nasundan ang pagbibiro nito nang tuluyan na kaming makapasok sa loob ng Rushtons, ang pinakamalaking mall sa bansa. Mukha naman palang mabait itong si Mark. Pero hindi ako umaasang magkakagusto ito sa'kin. Siguro'y sadyang mabait lang talaga siya kahit kanino.
Pagdating namin sa isang resto sa loob ng Rushtons, ang mall na pag-aari nga na FATE Co. na malapit sa opisinang pinag-aplayan namin, ang Zhyx Media, agad nkaming dumiretso sa isang mesang pandalawahan. Pabilog ito at may dalawang upuan na magkaharapan. Teka, bakit ang pakiramdam ko ay nagde-date kami?
"Anong gusto mong kainin? Order ka lang ng kahit ano," pauna nito.
"Kahit ano? Really?" mabilis kong tugon. At hindi maikakailang sa mga panahong tulad nito ay lumalabas talaga ang pagiging PG ko. Parang 'pag yayain akong lumabas ni Ara. Kailangan ko munang hintayin ang magic line niya na "ililibre kita" at do'n pa lang niya ako mapapa-oo bilang mahilig siya sa mga mamahaling kape na 'di ko maatim bilhin.
"You know what, I like how spontaneous you are right now. No pretense," bulalas nito habang nakatunganga sa akin. Ang bilis naman yata niyang mag-conclude e kakikilala lang namin. Pero hindi ako mapakali dahil sa mga mata niyang nakapako sa akin na tila'y naghihintay ng sagot. Nakataas ang pareho niyang kilay dahilan para bumuo ng gatla sa kanyang noo. Pigil ang ngiti niya para itago ang mapuputi niyang ngipin at para ilabas ang mag-asawa niyang biloy. No, Mark, h'wag mo akong tingnan nang ganyan, mahina ang shield ko. 'Tsaka wala akong dalang anti-love-at-first-sight potion ngayon!
BINABASA MO ANG
One Day He Wrote My Name (PUBLISHED)
Chick-LitMek is a hopeless romantic and she is determined to write her own destiny. 'Tapos makikita niya ang pangalan na nakasulat sa isang piraso ng papel na testing-an ng ballpen sa paboritong bookstore. Sa bookstore kung saan niya nakita ang kyut na lalak...