Hindi pa rin ako makapaniwala na galing kay Mark ang laptop na 'yon. Sinubukan ko pa nga iyong ibalik sa kanya. Pero sabi niya magagalit daw siya sa 'kin 'pag ginawa ko 'yon.
Kaya naman ibinuhos ko ang buong araw ko ng Linggo sa pagsusulat ng isang kuwentong matagal nang natutulog sa utak ko. Nakapagsulat agad ako ng isang chapter gamit nga ang bago kong laptop.
By Monday, back to office na naman ako. Makikita ko na naman ang moody kong boss.
"Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko noong Saturday," bungad nito sa 'kin na para bang may galit sa ekspresyon ng mukha. Kailan pa siya naging clingy sa EA niya?
Oo nga pala, tumawag nga pala siya noong nasa hospital kami ni Ara. Pero 'di ko na nagawa pang sagutin iyon. Dahil siguro sa nagpa-panic pa kami noong mga oras na 'yon sa paghahanap kung nasaan nga bang kuwarto si Mark. Hindi rin kaya niya sinagot ang tawag ko nang umagang 'yon.
"Ah, 'yun ba sir, may emergency kasi... sorry," tugon ko rito, while clenching my teeth.
"Wait, bakit may emergency? Bakit 'di mo ako tinawagan?" Oh. Ngayon naman, mukha siyang concerned sa 'kin. Anong problema ng lalaking 'to?
"It's Mark. Naaksidente siya sa motor niya. But he's fine now."
Mukhang hindi niya nagustuhan ang sagot ko. "Who's that Mark?"
"He's a friend. Friend namin ni Ara."
"You'd never mentioned him before." Bakit ko naman kailangang ikuwento 'yon sa kanya?
"You never asked."
"You should stop seeing him."
"No. Why are you saying that, sir?"
"I'm your boss."
"But..."
"No buts. You should just focus on me and your job. I'll give you your condo later tonight which is beside mine. Para lagi mo akong kasama't matulungan mo ako sa project natin anytime of the day," he said matter-of-factly.
Teka, ano'ng sabi niya? Condo for me? "Wait sir, naka-drugs ka ba? Ano'ng condo ang sinasabi mo?" This was me so respectful to my boss.
"Yes, I had a really bad dose of this girl who doesn't trust me at all. Matindi pa siya sa drugs. Mica Santos, I'm talking about you. So believe me when I say this. I'll be showing you your condo now. Let's go."
"Hay naku sir, h'wag kang ganyan. Baka maniwala ako," natatawa kong tugon.
"Why can't you just listen to me? Please. Trust me. And don't ever think you don't deserve such things. Good and special things, Mica. Because you deserve it."
"Gusto ko namang maniwala, sir, kaso... "
"Kaso iniisip mong sinungaling ako? Why would I even lie to you?" sabi nito na seryosong-seryoso talaga ang mukha.
"'Ay hindi naman sa gano'n, sir." Kasi naman 'yung mamahaling laptop nga kay Mark ay 'di ko na matanggap-tanggap, 'eto pa kayang condo unit na sinasabi niya. "Confused lang talaga ako, sir. I don't understand why are you doing this? This is too much. Seryoso ka po ba talaga?"
"Mukha ba akong nagloloko? I'm offering you a condo unit para mas madali kitang mahagilap, at mas mabilis nating matapos ang project natin before it's too late."
"Because sir, you never say that to people. Na bigla bigla bibigyan mo na lang sila ng condo which costs a million or more. Who would do that? Ni hindi ko nga kayang bayaran 'yon kahit pa sampong taon akong magtrabaho dito sa FATE."
"Things we do for love, Mica." Wait bakit ngayon, may love na siyang sinasabi?
"What do you mean, sir?"
"If you love your job so much you'd do anything to make it work," sagot niya na medyo nagpa-dissappoint sa akin.
"Okay, kung para ito sa ikabibilis at ikakaayos ng trabaho natin, willing akong mag-stay sa condong ino-offer mo. Pipilitin ko si mamang payagan ako. Pero hindi ko matatanggap ang sinasabi mong condo. Okay na sa 'kin yong 'di mo ako pagbabayarin ng rent while I'm staying there. But a condo for me, that's not happening. What would people say, 'di ba?"
"Who cares to what people say?"
"I do. And I can't just accept a million dollar present from a stranger."
"What?" And then he walked out. Did I say stranger? Nasaktan yata siya sa sinabi ko. Bakit kasi all of a sudden, naging interesado na siya sa buhay ko at bigla na lang siyang mag-ooffer ng condo unit.
Dahil doon ay tinawagan ko agad si Ara para sabihin ang mga kaganapan sa opisina. Kahit siya ay 'di makapaniwala. "I think he likes you, bes," sabi pa niya. It can't be. He's just out of my reach.
"And that condo thing is just so sweet. Kung ayaw mo sa 'kin na lang," dagdag pa niya.
"Pero seryoso ako bes, if you're in my shoes right now, maniniwala ka ba 'pag bigla na lang siyang mag-ooffer ng gano'n sa akin considering na wala namang 'kami'?"
"It depends. Hindi naman ako ang lagi niyang nakakasama. It's you. Dapat noon pa lang naramdaman mo na kung may feelings nga sa 'yo ang boss mo."
Natapos ang usapan namin ni Ara sa advice niya na mag-sorry raw ako sa boss ko dahil sa pagiging rude ko rito. Pero hindi ko alam kung paano. Alam kong this time ay hindi na uubra ang pagtitimpla ko ng kape para sa kanya.
Mga isang oras din siguro ang lumipas bago siya bumalik sa kuwarto. Ni hindi siya tumitingin sa akin. Kaya naman nilakasan ko na ang loob ko na lapitan siya.
"Sir, I'm sorry," sabi ko rito habang hawak ko ang banner na kagagawa ko lang 5 minutes ago gamit ang isang spare na cartolina na nakakalat sa opisina. May drawing ito ng nakasimangot niyang mukha, at least I knew that it's his face, sapat na patunay para malaman niyong A+ ang grade ko sa Arts noong 3rd grade.
"No you're not," nagtatampo pa nitong tugon. He's not even looking at me.
"It's just that I can't believe what you're saying, sir."
"Can we not have this conversation? Again?" Oh. Ayaw mo na ba akong kausapin. "Come on, Mica. Do you really hate me that much or could it be that you're hating yourself now... for starting to like a stranger like me? Those are two different scenarios. Choose one. No maybes."
"Sir." Naguguluhan ako sa kanya.
"In short, do you love me? Or ayaw mo talaga sa akin?"
"I don't hate you, sir."
"You're not answering my question, that's not even in the options."
"I don't need options, sir. I know what I want and what I feel..."
"So tell me what... you feel."
"I feel like...we should start working with our project now."
"That's a good idea. Go pack up. We're going to your condo."
BINABASA MO ANG
One Day He Wrote My Name (PUBLISHED)
ChickLitMek is a hopeless romantic and she is determined to write her own destiny. 'Tapos makikita niya ang pangalan na nakasulat sa isang piraso ng papel na testing-an ng ballpen sa paboritong bookstore. Sa bookstore kung saan niya nakita ang kyut na lalak...