20. The Move (Part 1) 🚚

6.6K 180 53
                                    

Sabi nila gumagawa raw talaga ng paraan ang universe para makilala natin ang ating perfect match. Sa libro ni Alma Young, tinawag niya itong soul magnets. Sa tulong daw nito ay para bang may puwersang tulad ng sa isang magnet ang bawat souls natin. Parang ang south pole na laging hinahanap ang kanyang north pole o ang north pole na walang ginawa kundi hintayin ang kanyang south pole. Minsan nga lang 'di na natin nararamdaman ang mga puwersang ito lalo na kung may mga bagay tayong sa tingin natin ay mas kailangan nating pagtuunan ng pansin. Kaya naman hindi sa lahat ng pagkakataon ay napapansin natin sila kahit ilang beses nang nagkrus ang landas ng bawat isa. Kasi siguro walang alam ang universe sa perfect timing, which matters to us as well.

Parang sa love at first sight, hindi ka naman nakasisiguro na noong sandaling 'yon mo nga lang siya unang nakita. P'wedeng noong nasa college ka pa while you're so in love with your ex-boyfriend, nagkasalubong na kayo sa isang coffee shop. O nang minsang madapa ka sa harap ng college lobby at natapon lahat ng mga gamit mo, siya ang nag-iisang taong tumulong sa 'yo. Pero hindi mo na nagawang tingnan ang mukha nito dahil sa sobrang hiya. O p'wede ring nagkasabay na pala kayo sa isang school fieldtrip, at naging photo bomber pa siya sa isang retrato mo. Nakatalikod nga lang siya. At nang humarap siya, sa iba ka naman nakatingin. At 'di na rin nahagip ng kamera ang mukha nito.

Pagkatapos naming mag-almusal ng boss ko ay inihatid na rin niya ako sa bahay. Hindi ko na siya niyaya pang dumaan sa loob, tutal hindi rin naman ako sigurado sa sasabihin ko kina mama.

"'Nak, kagabi ka pa naming hinihintay. Pero nag-text ka nga na may OT ka kaya 'di ka na namin pinilit. May surprise kasi kami sa'yo."

"Sorry ma. May tinapos pa nga po kasi kaming project. And then late na rin kaming nakatulog. 'Buti may condo ang officemate ko." I never lied to her. Technically, officemate ko rin naman talaga si Sir Aki.

"Hindi ka ba anak natatakot sa taas ng mga kondong 'yan? Pano 'pag lumindol? Ah siguro sanay ka na rin sa office n'yo 'no? Minsan talaga 'di ko maintidihan ang mga mayayamang 'yan. Kung bakit gustong-gusto nilang tumira sa matataas na gusali. Mas yayaman ba sila 'pag mas mataas ang tinitirhan nila? At mas magiging mahirap ba ang mga dukha 'pag mas mababa ang tinitirhan nila?"

"Ma, hindi naman iyon tungkol sa taas ng tinitirhan n'yo. Walang gano'n. Iyon ay para sa convenience. Kasi lahat nando'n na. Malapit ka sa workplace mo. Pati na rin sa source ng primary needs natin like shops and supermarkets. It's just that not everyone can afford that way of living."

"Ala basta ako, hindi ko pinangarap tumira sa mga gano'ng lugar. At paniguradong hindi namin matatagalan ng papa mo ang gano'ng lifestyle. Siguro, hindi uso sa kanila ang ideya ng kapitbahay." Bigla akong nasaktan sa sinabi ni mama. Wala na akong nasabi at hinintay na lang ulit siyang magsalita. "At 'yun nga, dahil napapag-usapan na rin natin, nakahanap na kami ng papa mo ng bago nating malilipatan," dugtong niya na 'di maikukubli ang excitement sa tono.

"Wait, ma. Lilipat tayo ng bahay?"

"Oo anak. Alam namin ni papa mong nahihirapan ka na sa sitwasyon natin. Tinulangan kami ni Mark, yung kaibigan n'yo ni Ara, na humanap nga ng mas murang apartment sa bayan."

"Tapos nakakita na kayo? 'Di ba mas mahal 'pag sa bayan? 'Tsaka ba't nasali si Mark?"

"E kasi anak, sina Mark ang may-ari ng nakita naming apartment. At mas mura lang ang bigay nila sa atin. Sabi pa niya p'wede rin daw iyong maging rent-to-own kung gugustuhin natin. At s'yempre mas malapit din siya sa office n'yo," pilit ni mama habang ang kislap sa mga mata n'ya ay 'di matawaran.

"Pero ma, nakakahiya kay Mark," giit ko.

"Siya naman ang nag-offer, Mek."

"Pero, ma."

One Day He Wrote My Name (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon