23. The Bar 🥂

6.5K 171 52
                                    

Maaga akong nagising nang sumunod na araw. Bibisitahin ko kasi ang condo ko sa FATE Tower. At para rin makita ko ulit si Aki. Magkasama lang kami kagabi pero nasasabik na agad ako sa kanya. Oh boy, I am so in love with him.

At tulad ng napag-usapan namin kagabi bago siya umalis sa bahay ay tutulungan daw ako ni Vicky na i-decorate ang interior ng unit ko bilang siya rin naman ang nag-ayos ng unit ni Aki.

***

Pagdating sa condo ni Aki ay nadatnan ko si Vicky na marahil ay kararating lang din.

"Thanks so much, Vicky. Na-appreciate ko talaga ang pagpunta mo today," bati ko rito.

"No worries. May TF naman 'to, dear. Thank your big boy. But I'll do my best to help you, okay?" aniya habang inaayos ang scarf na nakapulupot sa may leeg niya.

Napatawa ako. "Salamat pa rin."

"So shall we go to your condo then?" tanong niya nang tumayo na ito mula sa kanyang pagkakaupo.

"Yeah, sure. Pero alam mo ba kung mga anong oras siya makakabalik?"

Tumikhim siya. "Ako yata ang dapat nagtatanong niyan sa 'yo. Hmp. Bakit iba ang ngiti mo today, ha?"

"Haha. Vicky, don't pretend that you do not know."

"I love that necklace on you," puna niya habang nakatitig sa leeg ko na bahagya kong itinago sa ilalim ng blouse ko. 

"Thanks sa floating tarp with mini lights. That's something," tugon ko. "I knew it, you're on that chopper last night," biro ko pa rito.

"Haha. Again, don't thank me, Mica. Bayad din 'yon," natatawa niyang tugon.

Nang makalipat na kami sa unit ko at nang magsimula na siyang magplano para sa magiging ayos nito ay bigla kong naalala ang naputol naming usapan noong nakaraang Lunes. Ang usapan namin tungkol kay MM. "So what really happenend that day when he got hit by that effin truck while driving? Na-mention na sa 'kin ni Aki before na lasing siya that time. But I don't really know the specifics," sambit ko.

"From what I'd heard at kung pano pinagtagpi-tagpi ng mga taong nag-imbestiga ng mga pangyayari noong araw na 'yon, nagsimula ang araw niya nang pumasyal ito sa paboritong bookstore ni MM. Sa Kismet Bookshop. Hoping na makikita niya roon ang dating kasintahan."

May bigla akong naalala. If that's a year ago, bago siya maaksidente, posible kaya na nagkita kami noong araw na 'yon? "Bumili ba siya ng bolpen nang araw na 'yon?" agad kong tanong habang bumabalik sa alaala ko 'yung araw na nakita ko sa Kismet Bookshop si Aki.

"Yes. How do you know?" aniya na may pagtataka sa reaksyon ng mukha. "May nakitang resibo ng bolpen sa kotse niya on that day."

Lumapit ako sa kanya para tulungan ito sa pagtutulak ng mini couch na marahil ay binili rin ni Aki para sa akin. "San raw niya gagamitin 'yung pen?"

Bigla siyang huminto sa pagtutulak. "Why do I get the feeling that you were there? When that thing happened?" mataray niyang tanong. "May daily planner siya. At sa point of view ko, I might call it a diary. I told you, he's too mushy to function."

"Haha. Na'san na ang diary niya? Sorry, Vicky. I ask too many questions."

"No, no. That's okay. About the diary? He kept it. Aki kept it. We're using that on his therapy. Para sa 'spontaneous recovery' niya. You know, when a person has RA or retrogade amnesia, recent memories are more likely to be lost than those of their earlier memories. And I can see that Aki is improving. Every day. I think that's because of you. You helped him a lot, in so many ways that you might have not noticed. Ang nakakapagtaka lang din ay kung bakit mas hirap siyang alalahanin ang memories niya with MM. It must be that traumatic. Sabi ng ilang experts na nakausap ko, posible raw talaga 'yon. Dahil posibleng ang lahat ng memory niya kay MM ay nakalagay lang sa isang bahagi ng brain niya na naapektuhan ng aksidente. But yeah, I already introduced MM to him on one of our sessions."

One Day He Wrote My Name (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon